Sunday, May 26, 2013

Kalidad ng Pinoy seaman, bumababa -CHEd

Nagpahayag ng pangamba ang Commission on Higher Education (CHEd) na humihina ang kakayahan ng mga seaman mula sa Pilipinas.


Ito, ayon kay CHEd Chairperson Dr. Patricia Licuanan, ay bunga ng pagbaba ng kalidad ng pagtuturo ng mga maritime school sa bansa.



“About fifty percent of maritime programs were found to be low performing,” ani Licuanan.


Dahil dito, mariing binalaan ng CHEd ang mga maritime school na itaas ang antas ng pagtuturo, kung hindi ay mapipilitan silang gumawa ng hakbang, gaya ng pagtatanggal ng kurso.


“What we are trying to do is clean up non-compliant maritime schools,” sabi ni Licuanan, nilinaw na hindi ipasasara ng komisyon ang kolehiyo kundi aalisin lang ang mga programa.


Aniya, hanggang Oktubre ang taning para ituwid ng mga maritime school ang nasabing kakulangan.


Sinabi ni Licuanan na dadating sa bansa ang mga opisyal ng European Maritime Safety Agency upang suriin ang mga maritime school kung angkop ang mga ito sa international standards.


Nabatid na pansamantalang ititigil ang pagkuha ng seaman sa bansa dahil mababa ang kakayahan ng mga ito.


Napag-alaman din na malaking porsiyento ng mga overseas Filipino worker (OFW) ay seaman.


Naiulat na ipinatigil ng CHEd ang pag-alok ng Philippine Maritime Institute ng mga kursong BS Marine Transportation at BS Marine Engineering, dahil hindi nakatutugon sa international standards. – Mac Cabreros




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/kalidad-ng-pinoy-seaman-bumababa-ched/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

1 comment: