Sunday, May 26, 2013

Nueva Ecija at Aurora, makararanas ng 11-oras na brownout

Ni Light A. Nolasco


CABANATUAN CITY – Muli na namang makararanas ng hanggang 11-oras na brownout ang walong bayan sa Nueva Ecija at limang bayan sa Aurora.


Ito ang maagang abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng mararanasang brownout sa Martes, Mayo 28, batay sa pahayag ni Lilibeth Gaydowen, public information officer ng NGCP sa Region 3.



Maaapektuhan ng malawakang brownout ang mga bayan ng Talavera, Gen. Natividad, Llanera, Palayan City, Bongabon, Gabaldon, Laur at Rizal sa Nueva Ecija, na nasasakupan ng Nueva Ecija Electric Cooperative I & II.


Maaapektuhan din ng power interruption ang mga bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao sa Aurora.


Ayon kay Gaydowen, kukumpumihin ang piling line structure hardware sa CabanatuanTalavera-Baler 69 KV line.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/nueva-ecija-at-aurora-makararanas-ng-11-oras-na-brownout/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment