Sunday, May 26, 2013

LONGANISA FESTIVAL sa Vigan City


Sinulat at mga larawang kuha ni Rizaldy Comanda


HINDI mapigilan ang patuloy na paglago ng turismo sa Vigan City, ang tinaguriang Heritage City of the Philippines, sa lalawigan ng Ilocos Sur.



Bukod sa dinadayo ng mga turista na “Heritage Village“ na binubuo ng colonial houses sa Calle Crisologo, maraming museo, St. Paul’s Metropolitan Cathedral, Baluarte, Pagburnayan, Abel Weavers, Sinait Church, Bantay Bell Tower and Bantay Church, Pinsal Falls, Tirap Pass, Cabugao Beach, at maraming iba pa, dahilan din ng pagtungo sa Vigan ang produkto ng siyudad na laging bukambibig dahil sa kasarapan at kakaibang sangkap na paborito ng sinuman, ang longganisang Vigan.


Ang longganisang Vigan na hango sa bersiyon na Mexican salami ay naging paborito nang ulam sa anumang okasyon, mula pa noong panahon ng mga Kastila.


Dahil sa kakaibang sangkap na inihahalo sa giniling na karne na gaya ng suka na mula sa tubo at native garlic, naging pangunahing livelihood ito ng mga Bigueño at ginawang kanilang One Town One Product (OTOP). Kinikilala na rin ngayon ang Vigan bilang top producer ng longganisa.


Nakadiskubre pa ng iba’t ibang putahe na ang sahog ay longganisa, kaya lalo itong naging mabili.


Tuwing ikatlong linggo ng Enero ay ipinagdiriwang ng Vigan ang kanilang pista na kumikilala sa kanilang patron na si Saint Paul The Apostle.


Ipinakilala sa kapistahan ang Longganisa Festival, na konsepto ni Mayor Eva Marie Medina at bawat taon ay pinaiigting ang mga programa at aktibidad, na ngayon ay maituturing na pinakamasaya at makasaysayang festival sa Ilokandia.


Sa street dancing ay bitbit ng mga mananayaw ang longganisa na sumisimbolo sa produkto ng mga Bigueño.


Bukod sa maraming tourist spots ng Vigan City ay walang humpay ang pagdating ng mga turista at hindi umuuwi na walang bitbit na pasalubong na longganisa sa kani-kanilang pamilya.


Karagdagang patok din sa food tourism ng Vigan ang kanilang ipinagmamalaking empanada, chichacorn, mga kakanin, at bagnet.


27_05_2013_008_002_024 27_05_2013_008_002_021 27_05_2013_008_002_020



View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/longanisa-festival-sa-vigan-city/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment