Ni Jimi Escala
MAY mga nanghihinayang sa dating bonggang career ni Mariel Rodriguez. Dahil daw sa nakatakdang pamamaalam sa ere ng show nila ni Wille Revillame, lalo pang liliit ang mundo ng asawa ni Robin Padilla.
Pero ayon kay Ms. Bettina Aspillaga, isa sa namamahala ngayon ng Backroom, isa pa rin daw si Mariel sa mga itinuturing nilang prime talents at tiniyak niya na tuloy-tuloy pa rin ang pagiging TV host nito.
“Magaling na TV host si Mariel. Alam naman nating lahat ‘yan. And for sure naman, marami pa rin ang kukuha sa kanya. Sa totoo lang, eh, hinihintay pa rin naman namin kung ano ang magiging desisyon ni Mariel after ng Wowowille this coming October.
“Baka naman kasi, magko-concentrate na lang siya sa pagiging asawa ni Robin or tatanggap pa rin siya ng ibang showbiz commitments,” sey ni Ms. Bettina.
Naikot na ni Mariel ang lahat ng major TV networks. Sa GMA-7 nagsimula ng kanyang hosting career pero mas nahasa siya sa mga sinalihang show sa ABS-CBN.
Umalis si Mariel sa Dos at sumunod kay Willie sa TV5. Saang istasyon kaya ngayon lilipat si Mariel?
“Well, no idea yet. As I have said, hinihintay pa rin naman namin kung ano ang magiging desisyon ni Mariel after October,” sagot ni Ms. Bettina.
Walang kuwestiyon, magaling ngang host si Mariel Rodriguez. Nabalita kamakailan na nais ni Robin na bumalik si Mariel sa Dos sa pamamagitan ng show na pagsasamahan nila. Pero madalas na ring masulat ang diumano’y unwritten rule sa Dos na hindi na makababalik sa kanila ang sinumang talent na umalis na?
“Parang hindi na tayo nasanay sa showbiz, di ba?” sabi ni Bettina. “At saka nasa Dos pa rin naman si Robin, p’wede pa rin naman niyang alalayan si Mariel at p’wede ring pagsamahin ang dalawa sa isang serye.”
Sabi nga, abangan ang mga susunod na kabanata.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/mariel-mawawalan-na-ng-career/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment