Sumurender na si Dirty Harry kay Asiong Salonga. Nangangahulugan lamang na mas kilala ng mga taga-Maynila si dating Pangulong Erap Estrada kaysa Mayor Alfredo Lim. Umpisa pa lamang ay matindi nang talaga ang labanan nina Lim at Estrada. Sa tuwing magkakaharap sa mga forum at debate ang dalawa ay kulang na lamang ang magsapukan. Kasi naman, si Mr. Erap ay magaling mang-inis at si Mr. Lim ay madaling mainis. At sa anu mang labanan, ang mainis ay talo.
Ang isa pang dumanas ng kabiguan kung hindi man masasabing kahihiyan ay ang ating mga arsobispo at obispo. Nawalan ng saysay ang pakulo nilang “Team Patay” at “Team Buhay”. Ang isinusulong nilang mga kabilang sa “Team Buhay”, pagdating sa eleksiyon ang siyang nangatigok at ang “Team Patay” na isinusuka nila ang nangabuhay. Ang mga ito ang nagsipanalo.
Marami tuloy ang nagtatanong, mayroon nga bang tinatawag na Catholic vote? Ang Estado ay hiwalay na talaga sa Simbahan.
Isa siguro sa mga una sa kasaysayan ng eleksiyon ay ang nangyari sa San Teodoro, Oriental Mindoro. Nagtabla ng boto ang dalawang naglalabang mayor at nagkasundo silang lutasin ito sa pamamagitan ng “toss coin”, parang kara y krus. “Best of three” ang labanan na ang ibig sabihin, sa tatlong toss, ang manalo ng makalawa ang siyang idedeklarang “winner”. Nasa batas naman diumano ito, ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.
Puwede rin daw “palabunutan” na ang makabunot ng mahabang “stick” ang panalo. Mabuti-buti na seguro iyan kaysa “boksing” na kung sino ang ma-knock-out ang talo.
Pero mabuti na lamang at dadalawa ang kumandidato sa nasabing bayan. Kung nagkataong tatlo at silang tatlo ay nagpatas ng boto, baka daanin sa “Tong-it” ang mananalo.
Bawal na seguro sa batas iyon, hindi ba, utol na Celo? Linya mo yan.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/palabunutan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment