Nanganganib na mangamatay ang milyun-milyong ibon na dumarayo sa coastal wetlands sa taunang migrations sa paglalaho ng kanilang feeding grounds sanhi ng tumataas na lebel ng karagatan at land reclamation, babala ng mananaliksik noong Lunes.
Sa pag-aaral sa migratory habits ng shorebirds tinayang ang paglalaho ang 23 hanggang 40 porsiyento ng kanilang main feeding areas ay maaaring magresulta sa 70 porsiyentong pagbaba sa kanilang populasyon.
Pinangunahan ng isang grupo ng scientists mula sa National Environmental Research Programme ng Australia, sinabi sa pag-aaral na ilang lugar ang nag-ulat na ng nakakalarmang pagbawas ng populasyon ng 30-80 porsiyento.
“Each year, millions of shorebirds stop at coastal wetlands to rest and feed as they migrate from Russia and Alaska to the coasts of Southeast Asia and Australasia,“ sabi ni researcher Richard Fuller.
“We’ve discovered that some of these wetlands are highly vulnerable to sea level rise and might be lost in the next few decades.
“If the birds can no longer stop at these areas to `refuel’, they may not be able to complete the journey to their breeding grounds.“
Pinag-aralan ng mananaliksik ang wetlands sa migration routes mula Alaska, Russia, China, North Korea, South Korea, Japan, Philippines, Vietnam, Thailand, Malaysia, Indonesia, Papua New Guinea, Australia at New Zealand.
Sa maraming kaso, sinasakop ng mabilis na coastal development at reclamation para sa agrikultura ang tidal wetlands na ginagamit ng mga ibon bilang feeding grounds sa kanilang mahahabang paglalakbay, minsan ay hanggang sa kalahati ng mundo.
Ang mga lahing nagpapakitang problemado na ang bilang ay kinabibilangan ng bar-tailed godwit, curlew sandpiper, great knot, grey-tailed tattler, lesser sand plover, at red knot, ayon sa pag-aaral, inilabas sa Proceedings of the Royal Society journal.
Gumamit ang scientists ng “graph theory“, isang mathematical approach, para tantiyahin ang epekto ang pagkaubos ng mga wetlands na ito sa shorebirds.
Natuklasan nitong ang tidal wetland habitat ay nagsisilbing mahalagang “stepping stone“ para sa shorebirds, isang maliit na dami ng habitat loss ay magbubunsod ng hindi pantay ay malaking pagbaba sa populasyon ng mga ibon.
“This is because some of these tidal wetlands are `bottleneck’ sites where the majority of the birds stop to refuel,“ sabi ni Takuya Iwamura, ng Stanford University.
“For example, we discovered that a sea level rise of 150 centimetres (59 inches) may result in the loss of 35 percent of coastal wetlands, but it could lead to a 60 percent decline in curlew sandpipers, eastern curlews and great knots.“
Sisimulan na rin ng scientists ang ikalawang pag-aaral para tukuyin ang pinakamainam na paraan para masagip ang naglalahong shorebirds at masukat ang suliranin. – Agence France-Presse
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/migratory-birds-nauubos-sa-reclamation/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment