Posibleng madiskuwalipika ang magkapatid na sina incumbent Ilocos Sur Rep. Ryan Singson at dating Congressman Ronald Singson dahil sa reklamong inihain sa Commission on Elections (Comelec).
Ang dalawa ay sinampahan ng reklamo ng vote-buying matapos umanong mag-donate ng salapi at premyo sa “Nalasin Got Talent“ contest at raffle sa idinaos na barangay fiesta sa Nalasin, Sto. Domingo, Ilocos Sur noong nakaraang buwan.
“Needless to say, the aforementioned acts are prohibited by law and punishable as provided under Comelec Resolution 9616, the General Instruction for the implementation of campaign finance,“ saad ni Tagudin Mayor Roque Verzosa sa kanyang reklamo.
Si Ryan at tumatakbo sa pagkagobernador ng Ilocos Sur habang si Ronald ay sumabak sa pagkakongresista sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).
Si Verzosa, na katunggali ni Ryan, ay tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party ni Pangulong Aquino.
Ang vote buying ay itinuturing na isang election offense sa panahon ng pangangampanya, na nagsimula noong Marso 29 at magtatapos sa Mayo 11.
Ang paglabag may katumbas na parusa na isa hanggang anim na taong pagkabilanggo, pagalis ng karapatang bumoto, at diskuwalipikasyon sa pagtakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno. – Leslie Ann G. Aquino/ Manila Bulletin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/singson-brothers-nahaharap-sa-diskuwalipikasyon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment