Sunday, May 26, 2013

Paglilinis sa mga lansangan, puspusan

Nagpakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 125 miyembro ng rescue team upang maglinis at magtanggal ng mga bara at basura sa mga daluyan ng tubig para maiwasan ang baha sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan lalo na ngayong magbubukas na ang klase.



Ayon kay MMDA Assistant General Manager Emerson Carlos, ito ay binubuo ng mga miyembro ng Rescue Batallion Team ipinadala sa mga sinalanta ng bagyo sa Davao Oriental.


Suot ang camouflage, helmet at bitbit ang mga kagamitang panlinis, unang tinungo ng grupo ang Cubao Area sa lungsod ng Quezon na madalas bahain.


Sinasamantala din ng mga tauhan ng MMDA Sidewalk Clearing Operations ang paglilinis habang maganda ang panahon dahil inaasahang papasok ang tag-ulan sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.


Tiniyak ng MMDA ang kahandaan sa bagyo at iba pang sakuna. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/paglilinis-sa-mga-lansangan-puspusan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment