Monday, May 6, 2013

Olympics officials, magpupulong sa China

LONDON (AP)– Magpupulong sa China sa susunod na buwan ang mga opisyal ng Olympics at mga scientific expert upang suriin ang pagsulong sa ginagawang pag-aaral para sa gene doping, ang maaring susunod na gamitin upang makapandaya sa isports.



Sinabi ni Arne Ljungqvist, pinuno ng IOC medical commission, nagkaroon ng mga makabuluhang resulta ang mga pagsusuring ginawa ng mga researcher at umaasa ang mga opisyal na maaaprubahan sa hinaharap ang isang bagong method na magagamit para sa Olympics at iba pang event.


”Quite some progress has been made in terms of outlining the scientific basis for analysis of gene doping,” pahayag ni Ljungqvist sa The Associated Press. ”We are moving. It’s promising.”


Hanggang 40 mga eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magsasama-sama sa Beijing sa Hunyo 5-6 upang pag-usapan ang mga pinakahuling pag-aaral upang makaabante sa laban kontra mga atletang minamanipula ang kanilang genes upang mapaganda ang kanilang performance sa isports.


Inorganisa ng World Anti-Doping Agency ang pagpupulong katulong ang anti-doping agency ng China. Ito ang ikaapat na symposium ng Olympic movement tungkol sa gene doping, kasunod ng mga naunang komperensiya sa Cold Spring Harbor, New York noong 2002; Stockholm noong 2005, at St. Petersburg, Russia noong 2008.


”There have been scientific studies which are quite promising,” ani Ljungqvist, na nagsisilbi rin bilang WADA vice president. ”We feel it’s time to review this within the context of a small symposium of specialists.”


Ang gene doping, na ipinagbabawal ng IOC at WADA, ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilipat ng genes diretso sa human cells upang humalo sa DNA ng isang atleta upang mas pabilisin ang paglaki ng mga muscle at dagdagan ang lakas at endurance.


”We want to continue the momentum that we’ve got so we can get to a scenario where the detection methods can be approved,” sinabi ni WADA director general David Howman sa AP. ”It’s close.”


Ang posibilidad na magamit ang gene manipulation ay dumating sa panahong patuloy na ginagamit ng mga mandaraya ang mas tradisyunal na mga pamamaraan ng doping kabilang ang steroids, EPO, at blood transfusion.


Sinabi ni Ljungqvist na ang eskandalong kinasangkutan ni Lance Armstrong, ang Amerikanong cyclist na umaming nandaya sa kanyang pitong panalo sa Tour de France, ay patunay lamang na hindi madaling makatatakas ang mga mandaraya.


”The Armstrong case is very informative, that such an advanced doping cheat was using usual stuff,” aniya. ”The wonder drugs are not there. It is still the same ones. That is interesting to us.”




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/olympics-officials-magpupulong-sa-china/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment