Monday, May 6, 2013

Tag-ulan papasok na –PAGASA

Patuloy na makakaranas ang buong bansa ng magkahalong maaraw at maulang panahon, sanhi ng localized thunderstorms, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Linggo.



Ayon kay weather forecaster Jori Loiz, ang matinding init ng panahon na nararanasan ng publiko sa nakalipas na mga linggo ay inaasahng magtatapos sa huling bahagi ng buwang ito dahil magsisimula na ang tag-ulan.


Sinabi niyang ang bansa ay nakararanas ngayon ng transition period mula sa dry season patungo sa rainy season.


Aniya, ang easterlies o mainit na hangin mula sa silangan ay nag-aambag sa madaling pagbuo ng thunderstorm clouds o cumulonimbus clouds. At dahil ang easterlies ay “warm,” ang convective activity nito ay nagdadala ng matinding alinsangan ng panahon na nagbubunsod ng pamumuo ng cumulonimbus clouds.


Idinagdag niyang ang “rich in moisture” na katangian nito ang nag-aambag sa oagbuo ng thunderstorm clouds.


Magsisimula ang rainy season ay sa huling lingo ng May hanggang sa unang Linggo.


Gayunman, binigyang diin ni Loiz na sa unang bahagi ng buwan, patuloy na mamayani ang mainit na panahon sa buong bansa at inaasahang lalong tataas ang temperatura sa mga susunod na araw sa pag-abot ng sukdulan ng summer season, na kadalasang nangyayari sa nang bahagi ng Mayo.


“Usually, it is during early May that we record the highest temperatures in the country,” aniya.


Para sa susunod na dalawang lingo, ang temperature sa Metro Manila ay maaaring umabo t asa 36 hanggang 37 degrees Celsius habang sa Tuguegarao ang temperatura sa tanghali ay inaasahang aabot sa 37 hanggang 39 degrees.


Ngayong taon, ang pinakamataas na temperaturang naitala sa Metro Manila ay 36.6 degrees Celsius noong Abril 19.


Ang Echague, Isabela pa rin ang may hawak ng pinakamainit na temperatura sa buong bansa sa 39.6 degrees Celsius na naitala noong Abril 6. – Philippine News Agency




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/tag-ulan-papasok-na-pagasa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment