Wednesday, May 1, 2013

Oplan Last Two Weeks: 30,000 pang pulis ipakakalat sa halalan

Ni Aaron B. Recuenco



Hinugot ang mga recruit sa training centers habang pinabalik sa kanilang assignment ang mga pulis na nasa opisna pagsisimula ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng huling bahagi ng security measures para sa midterm elections sa Mayo 13.



Ang hakbang na ito ay magtitipon ng 30,000 karagdagang unipormadong pulis na itatalaga sa voting centers sa buong bansa para palawakin ang police visibility sa araw ng halalan, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.


“This is additional deployment is important to ensure the presence of the PNP not only in election hot spots but also in all areas in the country,“ sabi ni Roxas sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.


Sa bilang na ito, 18,000 sa kanila ay mga pulis na huhugutin mula sa kanilang regular na trabaho sa opisina sa iba’t ibang kampo at istasyon ng pulisya sa buong bansa para sa election duties. Ang nalalabing 12,000, ayon kay Roxas, ay mga police recruits na kasalukuyang nagsasanay at nag-aaral para maging full-fledged policemen.


“So they will be pulled out of their training and schooling for deployment. Election duties will be their OJT (onthe-job training),“ ani Roxas.


Tumanggi si PNP chief Director General Alan Purisima, na ihayag ang kabuuang bilang ng mga pulis na kasalukuyang itinalaga para tiyakin ang seguridad sa eleksiyon ngunit sinabing mahalaga ang presensiya ng elite police forces gaya ng Special Action Force. Idinagdag niyang kanselado ang lahat ng leaves of absence ng 148,000-strong PNP simula Mayo 3 hanggang sa araw ng halalan o hanggang sa Mayo 16.


Ang deployment ng karagdagang pulis, ayon kay Roxas, ay bahagi ng Oplan Last Two Weeks na nakatuon sa security measures para sa mga kritikal na araw bago ang halalan sa Mayo 13.


Bahagi rin ng security measures ang koordinasyon sa telecommunication at power companies para sa seguridad kapwa sa transmission lines at cell sites sa buong bansa.


“And for transparency purposes which is the best policy, we will be opening a media center that will be open 24/7 so that there will be immediate access on what’s happening on the ground,“ ani Roxas.


Magsisimula ang operasyon ng media center sa Mayo 6 sa Camp Crame.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/oplan-last-two-weeks-30000-pang-pulis-ipakakalat-sa-halalan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment