Monday, May 27, 2013

Pagbawi sa gun ban, iginiit

Ni Ali G. Macabalang


COTABATO CITY ­- Umaapela sa awtoridad, partikular sa Commission on Elections (Comelec), ang mga responsableng may-ari ng baril na bawiin na ang gun ban na ipinatutupad kaugnay ng katatapos na midterm elections, iginiit na ang patuloy na paghihigpit sa paggamit ng baril ay “disadvantageous“ para sa mga disente at pro-peace na mamamayan.



“The political exercises for which the ban has been enforced are over. Responsible gun holders observed it faithfully. Is it not fair to lift the ban and allow them to defend themselves from lawless elements who continue to prey on people rendered defenseless by the ban?“ sabi ng isang kinapanayam na sibilyang gun owner na tumangging pangalanan.


Sinabi ng gun license at permitto-carry (PTC) holder, na ang election gun ban “[has] successfully served its purpose among lawful people but not among defiant individuals who even became bolder in committing crimes.“


Sa Metro Manila at sa iba pang malalaking lungsod gaya ng Cotabato City, ilang indibiduwal “have been shot dead like chicken“ sa mga pagpatay na mga lugar na aniya ay hindi kalayuan sa mga himpilan ng pulisya at kampo ng militar.


Kaugnay ng nasabing panawagan, nag-text si Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Comelec Director Ray Sumalipao na nagsasabing ititigil ang pagpapatupad ng election gun ban sa “June 12.“ Wala siyang ibinigay na paliwanag.


Sinikap din ng may akda na kuhanin ang panig ng mga national at local official ng Comelec at mga opisyal ng Police Regional Office 12 at ARMM, ngunit walang sumasagot sa mga tawag ng may akda.


Ilang mamamahayag sa nabanggit na dalawang rehiyon ang napilitan nang magbitbit ng sariling armas kasunod ng pagkakapaslang ng 32 mamamahayag sa massacre sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009, ang pinakamatinding karahasang pulitikal sa kasaysayan ng bansa.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/pagbawi-sa-gun-ban-iginiit/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment