Isang 12-anyos na batang babae na buhat sa Payatas ang napili para dumalo sa training camp ng Under14 women’s National Team.
`’Si Angelica Sagum ay isa sa may 32 mga kabataang babae na napili buhat sa ginawang pagii-scout sa buong bansa upang dumalo sa nasabing training camp kung saan naman ay kukunin ang bubuuing national team na isasabak sa Under-14 AFC Cup bago matapos ang taon.
Magkakasama na ngayon ang nasabing 32 mga kabataan na nagsasanay sa ilalim ng mga kasalukuyang national coaches na siya ring pipili sa team na isasabak sa Vietnam para sa girls regional championships.
Anak ng isang delivery truck driver, ang batang si Angelica ay nagsimulang maglaro ng football sa edad na 10, ito’y matapos makaligtas sa isang matinding krisis kung saan lumaki siyang may lamat ang bungo sanhi ng aksidenteng kinasangkutan noong siya ay 5-taong gulang pa lamang.
Nakadalo na rin siya ng football clinic na isinagawa ng Azkals at ng LA Galaxy.
Umaasa siyang mapapabilang sa national team at maging kinatawan ng bansa sa international meet na gaya ng AFC girls under-14 championships.
Nangako rin siyang hindi sasayangin ang naibigay sa kanyang pagkakataon na bibihirang mangyari sa isang batang na gaya niya na galing sa isang lugar na dating kilala bilang pinakamalaking tambakan ng basura sa Metro Manila. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/sagum-magpapakitang-gilas-sa-training/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment