MULING tumanggap ng pagkilala ang Wansapanataym bilang Best Children’s Program sa 21st Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
Karagdagan ito sa mga parangal na natanggap ng Wansapanataym mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Catholic Mass Media Awards (CMMA), PMPC Star Awards for TV, at National Commission on Culture and Arts.
Magsisilbing handog pasasalamat sa patuloy na tagumpay ng `story book ng batang Pinoy’ ang kuwento na puno pa rin ng aral na ihahatid ng Wansapanataym bukas sa espesyal na episode na `Eye Naku.’
Gagampanan ni Dexie Daulat ang karakter ni Maita, isang bata na malabo ang mga mata. Nang gawin ng reyna ng mga mikrobyo na tirahan ang kanyang mga mata, naging malinaw agad ang kanyang paningin at nagkaroon ito ng kapangyarihan na makakita nang tulad ng microscope. Matutunan na kaya ni Maita na pahalagahan ang kanyang mga mata kapag nagkaroon na ng sakit ang kanyang mga kapatid at kaibigan dahil sa reyna ng mga mikrobyo?
Kasama rin ni Dexie sa `Eye Naku’ episode sina Khalil Ramos, Michelle Vito, Ruby Rubi, Gigi Locsin, CJ de Guzman, Patricia Camo, at JM Briones, mula sa panulat ni Mariami TanangcoDomingo at sa direksyon ni Jerome Pobocan.
Huwag palampasin ang Wansapanataym tuwing Sabado ng ‘ gabi pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN. Balikan din naman ang mga lumang episode nito na , `Cocoy Shokoy’ sa Miyerkules (Mayo 1), `Juan to Tree’ sa Huwbes (Mayo 2), at `Fairy Garden’ sa Biyernes (Mayo 3) sa “WansapanaSummer,“ araw-araw, 10:15 AM sa ABS-CBN.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/03/wansapanataym-wagi-sa-golden-dove/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment