Sunday, May 26, 2013

SURE WINNER

Sa isang birthday party kamakailan, nagkita-kita kaming mag-aamiga. Ang ilan sa kanila ay mukhang successful habang ang iba naman, well, alam mo na. Bihira kaming magkasama kung kaya nauuwi sa malalakas na halakhakan ang aming kuwentuhan. At habang lumalalim na ang gabi at nag-uuwian na ang ibang panauhin, nagkaroon ako ng pagkakataong kapanayamin ang mga amiga kong masasabi kong sure winner sa buhay. Sila ang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan at narito ang ilan sa napulot kong aral upang ako at ikaw rin ay maging sure winner.



  • Pag-uugali. ­ Umusbong at mamunga ka saan ka man itinanim. Nasa iyo ang pagpapasya kung magpapatuloy ka pa matapos kang lumagapak. Maliit na bagay lamang ang pag-uugali ngunit napakalaki ang epekto nito sa simula pa lamang ng iyong paghahangad ng tagumpay.

  • Direksiyon. ­ Kung alam mo kung saan ka patutungo, makararating ka roon kahit ano pa mang daan ang iyong tahakin. Isulat mo ang iyong short-term goals upang lalo mong maalala ang mga kailangan mong mapagtagumpayan. Kapag madali mong makita ang iyong goals, lalo kang magkakaroon ng focus sa direksiyong dapat mong tahakin.

  • Importansiya. ­ Alamin kung ano ang mahalaga sa iyo. Pamilya ba? Kaibigan? Espirituwalidad? Trabaho? Ang mga prayoridad sa buhay ay nagbabago habang tayo ay tumatanda. Dapat tandaan na kailangang bigyan mo ng importansiya ang iyong sarili bilang isang handog na mula sa Diyos.

  • Interes. ­ May nakapagsabi: “Birds of the same feather, flock together“. Ibig sabihin, kung kahalubilo mo ang mga winner sa buhay o yaong may utak-winner, malamang na ganoon na rin ang takbo ng iyong pag-iisip.


Sipag at tiyaga. ­ Pamilyar na sa iyo ang katagang ito. Kung wala ang sipag at tiyaga, wala ka nang pupuntahan.


Sa bawat mong pagsisikap, samahan mo ito ng pagmamahal. Mangyayari sa iyo ang tagumpay… at paulit-ulit pa.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/sure-winner/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment