GANDANG-GANDA ang entertainment writers kay Julia Barretto nang iharap siya ng ABSCBN at Dreamscape Productions sa very special presscon last Friday afternoon, para i-announce siya ang magbibida sa remake ng Cofradia na pinagbidahan noon nina Ms Gloria Romero (1953) at Ms Gina Alajar (1973). Flawless ang kutis ng newest Barretto beauty na bagong bet for stardom ng Dos, kaya agad tinanong kung hindi ba magkakaroon ng problema sa balat niya kapag pinaitim siya nang husto sa Cofradia.
“Actually, we’re gonna test nga kung okay ba sa skin ko, pero I also have a doctor para sa skin ko which will help me if ever anything happens. Pero may mga cream na ibibigay para walang masamang mangyari sa akin,“ sagot ni Julia na kamakailan lang inilunsad bilang member ng newest batch ng Star Magic talents.
Hindi lang sa kanyang beauty napabilib ni Julia ang entertainment press na dumalo sa kanyang solo presscon dahil sa bawat tanong sa kanya tungkol sa pamilya niya, lalo na sa kinasangkutang “photo scandal“ ng kanyang Mommy Marjorie, ay hindi siya naringgan ng `no comment’.
Pinuri niya ang panayam ng The Buzz sa ina.
“Okay siya,“ aniya, “mas okay na siya ngayon after niyang magsalita sa The Buzz. Galing niya, `no? Ang galing ni Mommy, napaka-strong niya. Actually, nothing to worry about when it comes to my mom, kasi napakastrong and magaling siyang maghandle sa situations na ganu’n.“
Inamin niya na hindi sila nagkakausap ng kanyang Lola Inday Barretto na nasa panig ng kanyang Tita Claudine against her mom and Tita Gretchen Barretto.
“Hindi pa (sila nagkakausap), sobrang busy na `yun, eh. I want everything to be okay and calm between the magkakapatid before I reached out, sila (Gretchen, Marjorie at Claudine) na muna.
“Hindi ako talaga nakikialam sa kanila, haha-ha, ayoko. Hindi ko `yun problema. It’s not for me to fix about, sa kanila na `yun. Ang saya-saya ko, eh,“ masaya ngang wika niya.
Noong kainitan ang isyu kina Gretchen at Claudine ay sila lang daw ng mommy niya ang magkasama.
“Yes, kami lang ni Mommy ang magkasama, we were there to listen to her, hug-hug and `yun lang, we don’t talk about it,“ nakangiting sabi pa ng dalagita.
Maging ang kanyang Tita Claudine na idolo niya ay hindi pa rin niya nakakausap after the latest controversial family feud.
“Same lang with my Lola (Inday), gusto ko sila (Gretchen at Marjorie with Claudine) muna ang magkaayos. Maging quiet muna ako bago (ako makipag-usap kay Claudine).“
Ang mga hindi makakalimutan ni Julia tungkol sa kanyang Tita Claudine noong wala pang gusot sa magkakapatid ay, “We were there (bahay) everyday, grocery everyday, movies everyday, kain everyday, the little things with her ang pinakamasaya talaga, mga bonding moments.
“Super close talaga at hindi naman nawala. The thing about our family is kahit gaano katagal kayong hindi nagkita, kapag nagkita kayo, parang hindi matagal `yun, close pa rin, pare-pareho pa rin ang mga ginagawa namin. I’m not gonna say na nawala (ang closeness),“ dagdag pa niya.
Parehong paborito si Julia nina Gretchen at Claudine kaya natanong siya kung sino ang madalas manglibre sa kanya.
“Actually, sa totoo lang, pareho silang generous, it’s unbelievable nga, sharing sila sa blessings,“ natawang sagot ng bagets.
Kaya hindi siya naniniwala sa intriga na sinisiraan siya ni Claudine ngayong nakapasok na siya sa showbiz.
“Hindi ako naniniwala, at saka kung anuman `yung pinaguusapan nila ng mga titas ko, my mom, sa kanila na lang `yun. Para sa akin, ayoko muna pansinin.
“At saka hindi ko sila nakakausap about it na, `Julia ikaw ang reason (ng gulo)’, wala namang ganu’n. Sa kanila na lang `yun, sila na lang ang mag-usapusap, sila na lang, ayokong maaffect, ayokong pag-usapan, kasi it’s such a happy day today. It’s been great the past few days, it’s been a great week na wala akong time to think about stuff like that,“ katwiran ng bagets. – Reggee Bonoan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/julia-ayaw-makisali-sa-gulo/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment