Tuesday, May 7, 2013

Trainer’s fund, dapat nang ibasura

Malaking usapin ngayon at hinahanapan ng solusyon ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang isyung inihain ng mga horse owner kaugnay sa hinihiling na pagbasura sa ibinabayad na trainer’s fund mula sa nakokolektang premyo mula sa mga nananalong kabayo.



Ilang horse owner ang ating nakausap na nagsabing lubha silang nahihirapan sa mga gastusin sa kanilang mga kabayong pangarera para sa pagkain at iba pang bayarin.


Sa laki ng porsiyentong kinakaltas sa premyo ng mga kabayo, halos wala nang natitira ang mga kapitalistang horse owner mula sa premyo ng mga nananalong kabayo.


Sa regular na mga karera, umaabot sa P80,000 hanggang P90,000 ang premyong natatanggap ng mga horse owner.


Sa naturang premyo, umaabot umano sa 44.5 % ang kinakaltas sa mga horse owner.


Gaya ni horse owner Eduardo E. Gonzalez ng EEG Farm, kinumpirma nito na 12% sa natatanggap niyang premyo ang ibinibigay sa hinete, habang 9% sa horse trainer.


May 5% naman ang ibinibigay na porsiyento sa sota o groom at 10% na withholding tax.


Bukod pa ditto, ang 3% naman ay para sa tinatawag na “for the boys“.


Sa premyo din kinukuha ang 3% na sinisingil ng horse trainer organization at 2.5% naman sa trainer.


Batay sa ibinigay na impormasyon ni Gonzalez, lumilitaw na aabot sa P33,200 ang nababawas sa premyo niya na mula sa P80,000 sa isang regular na karera.


Hindi pa kasama dito ang ibinibigay ni Gonzalez na 3% na “for the boys“ o balato sa kanyang mga tauhan.


Sa suma total, umaabot lamang sa P22,800 ang natitira sa premyo niya na siya namang ginagamit na pambili ng pagkain at bitamina sa mga kabayo.


Kaya naman lumalakas ang panawagan ng mga horse owner sa Philracom na ibasura na ang 3% na trainer’s fund.


Ito ang nagtulak sa tatlong horse owner organization, kinabibilangan ng Marho, Philtobo at Klub don Juan de Manila, na hilingin sa Philracom na ibasura ang ibinibigay nilang trainer’s fund.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/trainers-fund-dapat-nang-ibasura/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment