Saturday, May 4, 2013

2 sa NBI, kinasuhan na

Dalawang kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ipinagharap ng reklamo sa Manila Prosecutor’s Office kaugnay ng pagtakas ni dating Police Supt. Cesar Mancao nitong Huwebes.


Ayon kay NBI Director Nonnatus Rojas, kasong infidelity in the custody of prisoners ang inihain laban kina Pablo Remalante at Ibrahim Musa, mga kawani sa detention facility ng NBI.



Bukod sa kasong kriminal, mahaharap din sa kasong administratibo sina Remalante at Musa, gayundin ang hepe ng Security and Management Division na si Rodrigo Mapoy, at limang iba pa.


Kaugnay nito, inamin ni Rojas na hirap silang hanapin si Mancao, na tumakas isang araw bago ito ilipat sa Manila City Jail.


Una nang nanawagan si Justice Secretary Leila de Lima sa pagsuko kay Mancao.


Nitong Biyernes, nagbanta ang kalihim na babawiin ang lahat ng prebilehiyo ni Mancao, alinsunod sa Witness Protection Program (WPP) at muling umapela na sumuko na ang dating pulis.


Sa isang panayam ng media, iginiit ni Mancao na napilitan siyang tumakas dahil may matinding banta sa kanyang buhay. – Beth Camia




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/2-sa-nbi-kinasuhan-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment