Sinabi ni Jesus kay Judas [hindi ang Iskariote]: “Kung may nagmamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya namin gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nag mamahal sa akin ay hindi nagsasa katuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Ama na nagpadala sa akin. Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat. Siya ang Espiritu Santo na ipadadala ng Ama sa ngalan ko, at ituturo niya sa inyo ang lahat at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.
PAGSASADIWA
Mapuno ka ng Espiritu. Bawat Katoliko ay tumanggap ng mga kaloob ng Espiritu Santo sa Binyag at Kumpil. Ang isang binyagan, upang tunay siyang makasunod sa halimbawa ni Kristo, ay nararapat na magparaya sa paggabay ng Espiritu Santo at hindi sa kanyang sariling lakas lamang. Isang linggo matapos na ipagdiwang ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit, ipagdiriwang natin ang Pentekostes. Ipanalangin natin: Punuin mo kami, O Espiritu Santo, upang maunawaan namin ang lahat ng bagay ayon sa pananaw ni Jesus.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/gawa-151-2-22-29-slm-67-pag-2110-14-22-23-jn-1423-29/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment