Nakansela at inilipat ng venue ang road race at individual time trial event sa cycling competition sa ginaganap na 2013 POC-PSC National Games na dapat sana’y nagsimula na kahapon sa Evia City sa Vista Land sa Las Pinas City.
Napilitang ilipat ng organizers ang karera sa Tarlac matapos ang “last minute” na pagtanggi ng alkalde ng Las Pinas na si Nene Aguilar na idaos sa kanilang lugar ang dalawang araw na karera.
“Ayos na ang lahat e. May permit na nga kami. Tapos noong Thursday ng gabi biglang nagpasabi `yung chief ng kanilang traffic chief na hindi daw puwede kasi pag-umpisahan lamang ng sobrang traffic ang karera,“ ayon sa isang source na hindi na nagpabanggit ng pangalan.
Wala umanong pakialam ang local na pamahalaan ng Las Pinas kahit pa isang national sport event ang nasabing kaganapan dahil mas binibigyan umano nila ng prayoridad ang kanilang mga mamamayan.
Dahil dito, napilitan ang organizers ng karera, sa pamumuno ni race director at PhilCycling director Ric Rodriguez, na ilipat na lamang ang karera sa kanilang lalawigan sa Tarlac.
“At least doon naiintindihan ng mga nasa local government ang gagawin natin kasi for national cause naman ito at saka sanay na sila sa ganito dahil marami ring mga siklistang taga-Tarlac at suportado nila ang mga ganitong sports event,“ ayon kay Rodriguez.
Nakatakdang idaos ang road race event sa Mayo 29 habang Mayo 30 naman gagawin ang individual time trial. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/26/mayor-nene-aguilar-tinanggihan-ang-cycling-events-ng-2013-png/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment