Monday, May 6, 2013

Keira Knightley, ikinasal sa rocker


PARIS (AP) – Sinabi ng isang alkaldeng French na nagsabi na ng “oui” ang Oscar-nominated actress na si Keira Knightley sa rocker na si James Righton sa isang maliit na wedding ceremony sa timog ng France.


Sinabi noong Linggo ni Aime Navello na sinunod nina Keira at James ang tradisyong French nang ikasal niya ang mga ito sa Mazan town hall sa Sabado. Binasa ng alkalde ang service sa French at sumagot sa French at English ang magkasintahan.



Sinabi ni Navello na ang kasal ay sinaksihan ng 10 katao.


Si James ay keyboard player para sa rock group na Klaxons. Na-engage siya kay Keira may isang taon na ang nakalilipas.


Unang nakilala si Keira sa kanyang pagganap bilang dalagitang soccer player sa Bend It Like Beckham.


Pagkatapos nito, napanood siya sa unang tatlong pelikula ng Pirates of the Caribbean at tumanggap ng Oscar nomination sa pagganap bilang Elizabeth Bennet sa pagsasapelikula ng nobelang Pride and Prejudice ni Jane Austen.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/keira-knightley-ikinasal-sa-rocker/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment