Celtics, pinupuntirya ang panibagong kasaysayan
NEW YORK (AP) – Muling nagbalik sa series at ngayon ay magbabalik sa Boston.
Ang Celtics, nagsipagwagi ng halos NBA championships, ay dalawang panalo na lang ang kinakailangan para makagawa ng karagdagang kasaysayan.
Nagtala si Kevin Garnett ng 16 puntos at 18 rebounds kung saan ay nanatiling buhay ang Celtics sa NBA playoffs, at tapyasin ang kalamangan ng New York Knicks sa 3-2 matapos ang 92-86 victory kahapon.
Ang Celtics ay punongabala sa Game 6 bukas ng gabi, kailangan ang dalawang panalo upang maging unang NBA team na naalpasan ang 3-0 deficit para mapagtagumpayan ang series.
`’We just wanted to keep it going,” pahayag ni Brandon Bass.
Nag-ambag si Bass ng 17 puntos, inalalayan ang Boston upang burahin ang 11-0 deficit at umarangkada sa ikalawang half para muling pigilan ang Knicks sa inaasam nilang unang playoff series victory matapos noong 2000.
`’We didn’t panic and that’s something we’ve done, but we didn’t,” pahayag ni coach Doc Rivers. `’I thought once the game got back to that five, six area, our guys were good again.”
Naimintis ni J.R. Smith, nagbalik mula sa kanyang one-game suspension nang sikuhin si Jason Terry kung saan ay lamang pa ang Knicks sa huling bahagi ng Game 3, ang kanyang unang 10 buslo at tumapos na may 3-of-14 para maitala ang 14 puntos.
Umiskor rin si Terry ng 17 puntos.
Nagsalansan si Jeff Green ng 18 puntos habang nagposte si Paul Pierce ng 16 puntos.
Ito ang muling nakadidismayang laro ng Knicks na nakapagtala lamang ng 8-of-24 sa shooting.
Haharap sa matindi na namang pagsubok ang Knicks lalo pa at sa pamamahay ng Boston gagawin ang laro.
`’I think we’re fine,” ayon kay Knicks coach Mike Woodson. `’Sure we would’ve loved to close it out and move on, but nobody said it would be easy.”
Ang Celtics ang una sa walong NBA teams na nagmula sa 3-1 down, tinalo ang Philadelphia noong 1968.
`’I think so. I mean, I think that would be wonderful, and someone’s going to do it and I want it to be us, obviously, since that’s the situation we’re in,” sinabi ni Rivers bago ang laro. `’Someone will do it, and I really want to be a part of that.”
Subalit malaki pa rin ang tsansa ng Knicks.
Nilimitahan ng Knicks ang Celtics sa 75 puntos kada laro matapos ang unang tatlong sunod na panalo at halos nagwagi pa sa Game 4 noong Lunes kahit wala pa si Smith.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/03/lumalaban-pa-2/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment