Monday, May 13, 2013

Malacañang, excited sa pagdating ni Vin Diesel

Muling makatitikim ng Hollywood style ang Pilipinas sa bonggang Asian premiere ng ikaanim na serye ng “Fast and Furious” na gagawin sa Maynila bukas.


Vin Diesel Pinananabikan din ng Palasyo ang pagdating sa bansa ng international action star na si Vin Diesel at ng iba pang artista sa sikat na action movie na kinatatampukan ng walang-tigil na karera at habulan ng magagarang kotse.



“It’s nice that they’ve picked up the good climate that we have and that they’ve chosen to come here,” sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa panayam sa radyo.


Kasama ni Diesel ang film producer na si Neal Motiz at iba pang Hollywood celebrity sa pagdating sa Maynila ngayong Martes.


Gaganapin bukas, Mayo 14, ang Asian premier ng “Fast 6” sa SM Mall of Asia sa Pasay City.


Sinabi ni Valte na wala pang katiyakan kung magsasagawa ng courtesy call ang cast at crew ng “Fast 6” kay Pangulong Benigno S. Aquino III, na kilalang mahilig sa magagarang kotse. – Genalyn D. Kabiling/ Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/14/malacanang-excited-sa-pagdating-ni-vin-diesel/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment