Saturday, May 4, 2013

PANGULONG NOYNOY, MAGPASIKLAB KA NAMAN

Noong bisperas ng Araw ng Paggawa, nanawagan si Pangulong Noynoy Aquino na itaas ang SSS contributions ng mga miyembro ng Social Security System. Naniniwala ang binatang Pangulo na ito ang tamang panahon para susugan ang Social Security System Pension Scheme, at kailangan diumano na magsagawa ng “maliit na sakripisyo“ ang milyun-milyong kasapi sa pamamagitan ng dagdag na 0.6 porsiyento SSS contribution na magreresulta naman sa pagtaas ng pitong porsiyentong pagtaas ng mga benepisyo para sa kanila.



Kung nananawagan si PNoy ng karagdagang increase sa kontribusyon ng mga kasapi ng SSS, umaapela naman ang mahigit sa anim na milyong senior citizen na magkaloob ang SSS o ang Pangulo ng karagdagang 10% sa kanilang pensiyon.


Ibinulong sa akin ni Tata Berto na noong si Asyong Salonga o exPresident Joseph Estrada ang nasa Malacanang, nagkaloob siya ng 10 porsiyentong dagdag sa pensiyon ng mga nakatatandang mamamayan.

Noong panahon naman ng Aleng Maliit o ni ex-President Gloria MacapagalArroyo, nagbigay rin siya ng 10 porsiyentong dagdag sa pensiyon ng senior citizens. Laking tuwa nila noon!


Aba, Mr. President, magpasiklab ka naman sa mga barkada nina Tata Berto, Celo Lagmay, Tata Clemen, Jimmy Gil at Efren Danao, sa pamamagitan ng pagbibigay rin o pag-uutos sa SSS na magkaloob ng 10% increase sa kanilang pensiyon. Sila ay kandahirap sa pagbili ng mga gamot, pagkain at gasolina kung kaya malaking tulong ang pagbibigay mo Mahal na PNoy ng dagdag sa pensiyon.


Natatandaan ko na noong 2012, tahasang sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na magiging isang rice exporter country na ang Pilipinas. Gulat ako sa balitang iyon. Sa wakas ang sawi at nagdurusang bansa ay magiging tagaluwas na at hindi taga-angkat ng bigas!


Gayunman, noong Miyerkules, nabasa ko sa Manila Bulletin na ang National Food Authority (NFA) ay nakatakdang umangkat ng 187,000 metric tons ng bigas mula sa Vietnam bilang buffer supply sa tinatawag na lean months (Hulyo-Setyembre).


Noong ako ay nasa Los BaƱos College of Agriculture, may ilang Vietnamese students akong nakasama na nagaaral ng agrikultura. Ngayon, tayo ang umaangkat sa kanila ng bigas sa halip na tayo ang nagluluwas sa kanila gayong dito lang nag-aral at nag-obserba sa IRRI. Kaibigang Francis (Kiko) Flores, paki tanong mo nga kay Mr. Alcala kung bakit hindi tayo naging rice exporter ngayong 2013 tulad ng kanyang pahayag noon!




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/pangulong-noynoy-magpasiklab-ka-naman/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment