Saturday, May 4, 2013

Philippines-­China Friendship Games, aarangkada

Pagsisimula pa lamang para sa mga susunod na mas malalaking programa sa sports at kooperasyon sa iba pang mga umaabanteng bansa ang gaganaping Philippines­China Friendship Games.


Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia habang personal na pinapatnubayan ang paghahanda at pagsasagawa ng mga plano at aktibidad hinggil sa pagdating sa bansa ng mga opisyal mula sa Embahada ng China, miyembro ng Shanghai Sharks at ang dating NBA superstar na si Yao Ming.



“This will be the start of friendly matches, clinics and other close interaction with powerhouse countries in sports. Our national as well as the grassroots program will benefit from learning from the best,“ sinabi ni Garcia, matatandaang dumalo sa serye ng pagpupulong sa mga opisyal ng China upang maisakatuparan ang kooperasyon sa sports.


Tampok sa napagkasunduan sa MemorandumofAgreement na naisakatuparan ni Garcia ang pagtungo sa bansa ni dating NBA first round draft pick at 8th time All Star na si Yao na siya din may-ari ng Shanghai Sharks.


Matatandaan na kagagaling lamang ni Garcia sa pagbisita sa apat na bansa upang maitulak ang sports cooperation na makapagbibigay tulong upang mapalakas ang sports sa bansa. Nagtungo ito kasama si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. sa Spain, Brazil, Argentina at US upang maisulong ang kooperasyon sa sports sa bansa.


Samantala, sisimulan naman ni Yao at Shanghai Sharks ang mga aktibidad ngayon matapos na dumating kagabi ang una sa pamamagitan ng pagtuturo ng skills sa mga mahihirap na bata bago bumisita sa ilang lugar at kaharapin ang Gilas Pilipinas at ang PBA All Star Selection.


Una nang dumating noong Biyernes ang Sharks officials na sina Vice GM Zhang Chi, EA kay GM Zhang Peizhonbg, coach Wang Qun, Team Director Fei Genwei, Interpreter Gou Weisheng, Team Manager Fu Jiajun, at Assistant Director Yuan Qiang.


Ang mga manlalaro ay kinabibilangan naman nina Liu Wei, Wang Yong, Wang Ligang, Meng Lingyuan, Liu Ziqiu, Zhang Zhaoxu, Cai Liang, Ge Yang, Wu Yang, Wang Sizhang, Zhai Yi at Zhang Yuan.


Kabilang sa delegasyon ang Chinese Media sa pangunguna ng senior editor ng Sina Technology China na si Zheng Chenxi, Great Sports reporters Sun Quiao, Xia Jing at He Jia, Youth Daily reporter Yang Xianzhi, Wenhui Xinmin United Press reporter Wang Zhiling, Oriental Morning Post reporter Zhang Jing, Oriental Sports Daily Huang Jingyu, Shanghai Morning Post Zhu Jun, Sohu senior editor Zhang Yi, team photographer Hong Nanli, Net East reporter Chen Yun, PP Live Synacast Media senior reporter Li Tianyu at Wenhui Daily reporter Gu Miao.


Makakasagupa ng dating Houston Rockets na si Yao at ng Sharks ang PH Team ni coach Chot Reyes sa Mayo 6 sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa SM MOA Arena bago ang koponan ni coach Franz Pumaren na PBA All Star Selection sa Mayo 7 sa ganap na alas-7:30 ng gabi sa SmartAraneta Coliseum.


Ang aktibidad ay suportado ng SM Mall of Asia, SmartAraneta Colseum, ATC Pharmaceuticals, Friends of the Philippines Foundation, Anchorland, Vikings at Oishi na ipalalabas ng live sa TV 5, ang major sponsor ng event.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/philippines-%c2%adchina-friendship-games-aarangkada/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment