Saturday, May 4, 2013

Tagumpay ng eleksiyon, ipagdasal – Brillantes

Ni Mary Ann Santiago


Umapela si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. sa mga obispo ng Simbahang Katoliko na ipanalangin na maging matagumpay ang idaraos na May 13 midterm elections.


Ayon kay Brillantes, ito na aniya ang pinakamabuting magagawa ng mga obispo sa halip na magpahayag nang pagdududa sa idaraos na eleksiyon.



“Nakikiusap ako sa lahat ng obispo, magdasal kayo lahat for 2013. That’s the best thing you can do,” panawagan ni Brillantes.


Kasabay nito, hinamon ni Brillantes ang mga kritiko nito na patunayan ang mga umano’y iregularidad noong 2010 automated elections.


Hindi nagugustuhan ni Brillantes ang aniya’y pag-iingay lamang ng mga kritiko sa mga problema sa nakalipas na eleksiyon ngunit wala naman umano ni isa sa mga ito ang makapagpakita ng ebidensiya na mali nga ang naging resulta ng halalan.


“Exactly, kaya nga sinabi ko puro ingay. Wala pa nagsasalita tungkol sa ebidensiya na mali ang results ng eleksyon noong 2010. Wala pa maski isa, wala nagpapakita,” lahad pa ni Brillantes.


Iginiit rin ni Brillantes na tama ang naging resulta ng eleksiyon at napatunayan na umano na tama ang mga precinct count optical scan (PCOS) machines sa may 100 protest cases.


“Walang ebidensiyang mali ang PCOS. Puro ingay,” aniya pa.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/tagumpay-ng-eleksiyon-ipagdasal-brillantes/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment