Sunday, May 5, 2013

UNA, umalma sa black propaganda

Inalmahan ng United Nationalist Alliance (UNA) ang mga pambabato ng putik sa mga kandidato nito kasabay ng panawagan na itaguyod ang “bagong pulitika” na tututok sa mga isyu sa halip na sa pag-atake sa personalidad.



Gayunman, inasahan ni Toby Tiangco, secretary general at campaign manager ng UNA, na aabot sa pinakamataas na posisyon ang black propaganda sa araw mismo ng eleksiyon.


“In the past few days we have seen how the other coalition has shifted to high gear in their mudslinging,” sabi ni Tiangco.


Mariing kinondena ng campaign team ni UNA senatorial bet Jack Enrile ang serye ng mga insidente na hinalang sinadya sa nakalipas na mga araw.


“Without a doubt, these are dirty tricks that are obviously meant to harass, intimidate and provoke (UNA candidate) Jack, our staff and supporters,” pahayag ni Johnny Garcia, campaign manager ng Team Enrile.


Noong nakaraang linggo, sinabi ni Garcia na nakatanggap siya ng mga tawag sa ilang reporter at miyembro ng campaign staff ni Enrile na may press release na ipakakalat ang ibang grupo na may negatibong impormasyon laban sa nasabing kandidato.


Nang suriin, nadiskubre ang dalawang pekeng email address na gumagamit sa pangalan ni Enrile na nagpadala ng mga mensahe at kalatas nang hindi nalalaman ng kandidato o ng sinuman mula sa kanyang campaign team.


Noong Abril 29 sa Bulan, Sorsogon habang namamahagi si Enrile ng kanyang campaign material sa publiko ay isang lalaki ang sumulpot sa kanyang likuran at sinuntok ang kanyang batok at nagsisigaw ng mga paninirang puri. Tinangka ng lalaki na muling saktan si Enrile subalit mabilis itong hinagisan ng campaign T-shirt ng kongresista.


“Clearly, an act of provocation,“ ani Garcia. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/una-umalma-sa-black-propaganda/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment