Saturday, May 4, 2013

Vice Ganda, nagtakilyera sa Araneta

GULAT nag ula t ang mg a bumibili ng concert tickets ni Vice Ganda sa takilya ng Smart Araneta Coliseum noong Biyernes ng hapon dahil ang nabungaran nila sa window ay ang TV host/ actor/performer mismo.


Vice Ganda Tawa nang tawang nagkuwento ang aming kapitbahay na bumili ng ticket dahil hindi raw niya kaagad napansin na si Vice Ganda pala ang nag-eestima sa kanya dahil kausap niya sa cellphone ang kaibigan at tinatanong ito kung ilang tickets ang bibilhin niya.



“May kinukuha po ako sa bag ko, `tapos parang narinig ko ang boses ni Vice. Pag-angat ko ng mukha ko, si Vice pala talaga! Naku, nagkagulo na kami lahat sa pila,“ kuwento sa amin.


Sino nga ba naman ang hindi magugulat, isipin mo ang mismong magko-concert pala ang nagbebenta ng tickets!


Anyway, nagtanong kami sa taga-Smart Araneta Coliseum at nakabenta nga raw si Vice ng tickets na nagkakahalaga ng mahigit P400,000. Pero ang kabuuang benta nila nang araw na iyon ay isang milyon. Akala ko ba naghihirap ang mga Pinoy?


Magandang gimik itong ginawa ni Vice para maraming bumili ng tickets niya lalo’t katatapos lang ng concert ni Daniel Padilla na pinuno ang Big Dome.


I-Vice Ganda Mo Ako ang titulo ng show ni Vice at sangkaterba ang guests kaya hindi kami nagtataka kung bakit inabot ng pitong milyon ang gastos sa show na ito. Kalurky, puwede nang ipagprodyus ng pelikula ang halagang ito, ah! ­- Reggee Bonoan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/vice-ganda-nagtakilyera-sa-araneta/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment