Ni Bella Gamotea
Muling isinantabi ni Vice President Jejomar Binay ang imposibleng target na 12-0 ni Liberal Party campaign manager Franklin Drilon dahil patuloy ang pagbuhos ng suporta ng mga lokal sa United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidates.
Subalit nabahala ang Vice President sa kumpiyansa at determinasyon ni Drilon na maaring direktang mind-conditioning.
Sa pulong balitaan noong nakaraang linggo, inakusahan si Drilon ng UNA ng mind-conditioning kung saan ay magkakaroon umano ng malawakang dayaan sa Mindanao bunga ng kakapusan ng supply ng kuryente sa rehiyon.
Ang pagkaalarma ng UNA, kaugnay sa posibilidad na malawakang dayaan sa gitna ng krisis sa supply ng kuryente sa Mindanao, ay lehitimong mga isyu at hindi lamang isang walang basehang intensiyon o interes.
“Kung mind-setting ang pag-uusapan natin eh guilty si Drilon doon. Ang mind-setting ni Drilon, 12-0. Puwede ba naman ‘yung 12-0? That is a concrete example of mind-setting,” pahayag ni Binay.
Aniya, kahit pa ang kaalyado ng LP na si Sen. Serge Osmena ay aminadong hindi makatotohanan at imposible ang pangarap ni Drilon na 12-0 kung saan ay sinasabing gumagawa ito ng mapanganib at ibang direksiyon.
Sinabi naman ni Drilon na ang umano’y pangamba ng UNA sa malawakang dayaan sa Mindanao ay isang uri ng mind-conditioning.
Ngunit kumpiyansa ang UNA na ang malawakang dayaan sa Mindanao ay may basehan at hindi lamang produkto ng anumang imahinasyon o takot.
Unang naalarma ang UNA sa mga serye ng walo hanggang 12 oras na brownout sa Mindanao na hindi na kayang kontrolin at maaring gamitin ng makakaliwang grupo upang impluwensiyahan ang resulta ng eleksiyon.
Samantala, isang katanungan naman kung makatutulong ang popularidad ni Pangulong Noynoy sa asam na 12-0 win sa resulta ng May 2013 elections.
“Tignan na lang natin,” diin ni Binay.
“Hindi naman siguro popularity contest ito. Ito ay batay sa trust at saka performance. Kung idadagdag pa natin ‘yung mga trust and performance ni Senate President Enrile at saka ni Presidente Estrada, mas marami-rami pa,” dugtong pa nito.
Ang malakas na impluwensiya ng Liberal Party ay hindi matatawaran ng napakalaking ibinigay na suporta ng mga lokal na partido at puwersa ng makinarya ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa buong bansa.
“Basta sa mga napuntahan ko, doon sa aming mga naging rally, kung magiging batayan natin ‘yung mga nanonood at mga nagsasakripisyo ng oras sa init at nagbababad sa araw para ipakita yung suporta sa mga kandidato ng UNA, aba, imposible yung 12-0,” paliwanag ni Binay.
Tiwala si Binay sa UNA na makakamit nito ang mahalaga at kumbinsidong panalo sa Mayo 13.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/12-0-makakamit-ng-lp/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment