Tuesday, April 30, 2013

Bulldogs, puntirya ang ikaapat panalo

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon: Fil-Oil Flying V Arena

12:45 p.m. Emilio Aguinaldo College vs. Southwestern University

2:30 p.m. San Sebastian vs. University of the East

4:15 p.m. Far Eastern University vs. National University


Solong pamumuno sa Group A ang tatangkaing makamit ng National University sa pagpuntirya ng kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa Far Eastern University sa seniors division ng 2013 Fil-Oil Flying V Hanes Premier Cup sa San Juan Arena.



Kasalo sa ngayon ng Arellano University Chiefs ang NU Bulldogs sa liderato sa Group A na tangan ang barahang 3-0 (panalo-talo).


Tatargetin ng Bulldogs na magtuluytuloy ang nasimulang winning streak kasunod sa pinakahuli nilang panalo laban sa JRU Heavy Bombers.


Sa kabilang dako, hangad naman ng FEU Tamaraws ang kanilang ikalawang sunod na panalo pagkaraang mabigo sa una nilang laro at makabawi sa ikalawa matapos padapain ang JRU.


Gayunman, gaya ng ibang coaches, hindi muna pinagtutuunan ng pansin ni bagong FEU coach Nash Racela ang kanilang makakalaban.


Mas higit nitong tinitingnan ang paghahanda ng kanyang team at kung paano ang magiging execution ng mga ito sa kanilang ginawang preparasyon pagdating sa laban.


“Ther’s still a lot of things to work on, right now we just want to focus and see if the players are capable of following instructions, kasi dun lagging nagkakaproblema pagdating sa end games,” pahayag ni Racela.


“Kasi going here in the Fil–Oil, we don’t normally prepare like how we do in the UAAP. Rather than focusing on our opponent mas tutok na lang muna kami sa team,” dagdag pa ng Tamaraws mentor.


Samantala, consistency naman, lalo na sa depensa at sa kanilang naipamalas na teamwork sa mga nauna nilang laro, ang asam ni coach Eric Altamirano.


Sa iba pang mga laro, tatangkain naman ng Southwestern University ng Cebu na madugtungan ang unang panalo na natamo nila sa nakaraang laban kontra Lyceum of the Philippines sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-12:45 ng tanghali.


Ang nasabing panalo ang pumutol sa nasimulang 5-game losing skid ng Cobras habang magtatangka naman ang Generals na bumangon sa kabiguang nalasap sa una nilang laban sa kamay ng Ateneo de Manila Blue Eagles.


Sa ikalawang laro sa ganap na alas-2:30 ng hapon, mag-uunahan namang makapagtala ng ikalawang panalo ang magkapitbahay na San Sebastian College Stags at University of the East Red Warriors sa kanilang pagtatapat sa Group B.


Hawak ng Red Warriors ang patas na barahang 1-1 habang bahagyang naiwanan ang Stags na may isang panalo at dalawang talo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/bulldogs-puntirya-ang-ikaapat-panalo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment