Hihilingin ng Philippine Sports Commission sa pamunuan ng Mall of Asia Arena at ng Smart-Araneta Coliseum na kung maaari ay bawasan ng kalahati ang presyo ng tiket para sa laban ng bibisitang Shanghai Sharks sa buwan na ito.
Nakatakdang maglaro ang koponan ng dating NBA superstar na si Yao Ming sa bansa sa dalawang exhibition matches kontra sa PBA Selection at Smart Gilas Pilipinas.
Ayon kay PSC chairman Richie Garcia, gagawin nila ang nasabing hakbang upang mahikayat ang Filipino basketball fans para panoorin ang laro at suportahan ang ating national squad na naghahanda para sa darating na FIBA-Asia Men’s Championships dito sa bansa.
Sinabi pa ng PSC chief na mas makabubuti na gawing mababa ang presyo ng tiket para sa laro na nakatakdang ganapin sa Mayo 6 at 7 dahil hindi naman umano inorganisa ang proyektong ito na tinagurian nilang Philippines-China Friendship Games para kumita kundi para makabuo ng higit na magandang
relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
“This is not a project to make money, so we will request for a 50 percent discount para mas maraming manood,” pahayag ni Garcia.
Ayon kay Garcia, mas makabubuti umano kung magagawang ibaba ang presyo ng mga tiket para sa dalawang laro sa level na gaya ng mga presyo kapag may UAAO games sa naturang dalawang venues.
Para sa laro ng Shanghai Sharks at Smart Gilas sa MOA Arena sa Mayo 6, ang presyo ng tiket ay P2,640 habang ang laro naman ng Sharks at ng PBA Selection sa Mayo 7 sa Araneta ay nagkakahalaga ang tiket sa general admission na P320. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/presyo-ng-tiket-ipupursigeng-ibaba-sa-philippines-china-friendship-games/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment