Monday, April 29, 2013

Helen Mirren, laging award-winning ang pagganap bilang Queen Elizabeth

LONDON (Reuters) – Kinoronahan si Helen Mirren bilang best actress sa pangunahing theater awards sa Britain nitong Linggo para sa kanyang muling pagganap bilang Queen Elizabeth II, at malaki naman ang posibilidad na humakot ng Olivier awards ang stage version ng nobela tungkol sa isang binatilyong may autism.



Umani ng magagandang rebyu si Helen, 67, sa kanyang pagganap sa The Audience, ang play ni Peter Morgan tungkol sa pribadong lingguhang pulong ni Queen Elizabeth sa 12 British prime minister sa nakalipas na anim na dekada ng kanyang pagiging reyna.


Hindi na bago kay Helen ang pagganap bilang reyna, katunayan ay nanalo pa siya ng Academy Award sa nasabing pagganap sa pelikulang The Queen noong 2006.


Sinabi ni Helen na karapatdapat lang sa tumanggap ang reyna ng Olivier award matapos itong parangalan ng isa sa pinakaprestihiyosong entertainment honors sa Britain, ang BAFTA, sa unang bahagi ng Abril dahil sa suporta nito sa industriya ng pelikula at telebisyon.


“I think she deserves one for the most committed and consistent performance of the 20th century and probably the 21st century,” sinabi ni Helen nang tanggapin ang parangal mula sa bida ng Harry Potter na si Daniel Radcliffe.


Nanalo rin ang co-star niyang si Richard McCabe bilang best supporting actor sa pagganap bilang Prime Minister Howard Wilson.


Ngunit inaasahang hahakot ng pagkilala sa 37th Olivier Awards ang The Curious Incident Of The Dog In The Night-Time na nagbukas sa National Theatre sa London noong 2012 at inilipat sa West End theatre district ngayong taon.


Ang play, na batay sa award-winning novel ni Mark Haddon noong 2003, ay nominado sa walong parangal at hinakot na ang ilan sa mga ito sa unang bahagi ng engrandeng awards ceremony sa Royal Opera House sa London.


Nanalong best actor si Luke Treadaway sa pagganap bilang si Christopher, ang 15-anyos na math prodigy na may autism na ginawa ang lahat ng paraan upang matukoy kung sino ang pumatay sa aso ng kanyang kapitbahay.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/helen-mirren-laging-award-winning-ang-pagganap-bilang-queen-elizabeth/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment