Tuesday, April 30, 2013

Day care system, dapat isulong

Nanawagan kahapon United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Nancy Binay ng pagtatayo ng mga day care center partikular sa mga tanggapan ng gobyerno.


“One way to improve the day care system in the country is to build day care facilities in workplaces, including government offices,“pahayag ni Binay.



Nanindigan si Nancy Binay na ang mga nagtatrabahong ina, lalo na ang walang kakayahang kumuha ng yaya na kanilang makakatuwang sa bahay, pakikinabangan ang maraming tanggapan na may sariling pasilidad para sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.


“Mothers who miss work because cannot afford to leave their children alone home will no longer have to worry about who will take care of their children. They can just drop their children off the day care center before work and pick them up after,” sabi nito.


Idinugtong pa ng anak ng Vice President ang pagpapatibay sa sistema ng day care ay isang paraan ng pagresolba sa problema sa kakulangan ng nutrisyon o malnutrisyon ng mga batang nasa pre-school sa bansa.


“The day care centers can also double up as feeding centers where feeding and other health programs can be conducted,”diin ni Nancy.


Binanggit ni Binay ang mga hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng programa sa pangkalusugan para sa mga bata ngunit kailangan aniya ng ibayong suporta mula sa gobyerno.


Si Binay ay determinado sa kanyang adbokasiya sa pangangalaga sa katayuan ng mga paslit at kapag aniya nabigyan siya ng pagkakatong maluklok sa Senado, maghahain siya ng mga panukala upang patatagin ang day care system sa Pilipinas.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/day-care-system-dapat-isulong/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment