Tuesday, April 30, 2013

Pulu-pulong ulan, malaking tulong

Malaking tulong pulo-pulong pag­ulan sa pananatili ng antas na tubig sa mga dam sa panahon ng tag-init sa bansa. Ito ang inihayag ni Dr. Susan Espinueva, hepe ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorological Division, sa isang panayam sa Quezon City.



Anila, patuloy ang pagbaba ng Angat at Binga Dam at iba pang dam sa Luzon kahit na mataas pa ang lebel nito sa kasalukuyan.


Ang ilang dam sa bansa tulad ng Ambuklao, San Roque, Magat at Caliraya ay positibong lihis sila, ibig sabihin tumataas ang tubig dahil sa pagkulog sa kanilang komunidad sa watershed.


Nabatid na dahil sa maiinit na araw, nagkakaroon ng localized thunderstorms at magandang senyales ito para hindi gaanong bumaba ang level ng tubig sa mga dam dahil napapalitan din ng buhos ng ulan ang tubig na nawawala dahil sa evaporation.


Inaasahang tatagal pa ang init ng panahon hanggang sa pagpasok ng tag-ulan sa Hunyo. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/pulu-pulong-ulan-malaking-tulong/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment