Ni Madel Sabater-Namit/ Manila Bulletin
Karagdagang kontribusyon sa SSS, ipatutupad Sa bisperas ng Araw ng Paggawa, iginiit ni Pangulong Aquino na panahon na upang amendiyahan ang Social Security System (SSS) pension scheme upang maiwasang mabangkarote ang ahensiya dahil sa kakulangan sa pondo.
Sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang kontribusyon na 10.4 porsiyento ay sobra ang baba sa panuntunan na 14.1 porsiyento.
“Ang mga ganitong reporma sa pamamahala ay ginagawa natin upang mapanatiling matatag ang ating mga institusyon, at masiguro ang pangmatagalang pakinabang nito sa mamamayan,” sinabi ni Aquino sa kanyang talumpati sa 18 grupo ng manggagawa sa Malacañang.
Inihayag ng Pangulo na matapos magpatupad ang SSS ng 21 across-the-board pension increase ay dalawang beses lamang nagkaroon ng pagtataas sa kontribusyon simula1980.
“Samakatuwid, hugot tayo nang hugot ng sobra-sobrang pera, subalit wala namang inilalagay sa bulsa. Bangkarote po ang bagsak natin, at iyan na nga mismo ang problema ng SSS,” paliwanag ni PNoy.
“Hindi pa nababangkarote, pero tinatayang P1.1 trillion ang unfunded liability ng SSS nitong 2011. Kapag wala tayong ginawa, inaasahang tataas ito ng walong prosiyento kada taon,” aniya.
Dagdag pa ng Pangulo na ang 0.6 porsiyento pagtataas sa SSS contribution ay isang maliit lamang na sakripisyo mula sa mga miyembro kumpara sa pitong porsiyentong karagdagang benepisyon. Aniya, aabot sa P141 bilyon ang agad na matatabas sa unfunded liability ng SSS kung maipatutupad ang 0.6 porsiyentong karagdagang kontribusyon.
Bilang bahagi ng SSS reform agenda, sinabi ng Pangulo na maitataas ang monthly salary credit sa P16,000 mula P15,000.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/karagdagang-kontribusyon-sa-sss-ipatutupad/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment