Monday, April 29, 2013

Anti-riot team, ipakakalat bukas

Mahigpit na iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina sa libu-libong anti-riot team at undercover police na ipakakalat sa Labor Day sa Mayo 1 na huwag magdadala ng baril at panatilihin ang kaayusan at seguridad sa mga aktibidad, partikular sa mga kilos-protesta, sa paggunita sa Araw ng Paggawa bukas.



Ayon kay Espina, aabot sa 3,000 tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ikakalat sa Maynila, bukod pa rito ang 400 mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at 1,200 mula sa Philippine National Police (PNP) sa mga karatig probinsiya sa Regions 1, 2, 3 at 4A bilang ayuda sa puwersa ng NCRPO.


Nilinaw ni Espina na nananatiling epektibo ang election gun ban kaya tanging ang mga naka-duty at naka-uniporme ang maaaring magdala ng baril, habang shield at baston lang ang bitbit ng mga anti-riot team, at bawal ding magdala ng armas ang mga undercover police.


Ilalatag ng NCRPO ngayong Martes ang security plan, security measures at traffic management para sa pagbibigay seguridad sa mga vital installation sa Metro


Manila para sa Labor Day, makaraang magpatikim kahapon ng kilos-protesta ang mga militanteng grupo nang mabatid na hindi magbibigay ang gobyerno ng umento sa sahod sa mga manggagawa.


Samantala, asahan na ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular sa Welcome Rotonda hanggang sa Mendiola, sa Mayo 1 bunsod ng martsa ng mga manggagawa at iba’t ibang militanteng grupo bilang pagdiriwang ng Labor Day.


Sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) spokesman Allan Tanjusay na magdudulot ng abala sa mga motorista ang mga aktibidad ng kanilang grupo sa Miyerkules, mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, na gagawin sa Mendiola. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/anti-riot-team-ipakakalat-bukas/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment