Ang makasaysayang Escolta, ang pinaka-class na shopping destination ng downtown Manila noong 1900s, ay binubuhay muli sa dati nitong luwalhati sa pamamagitan ng “Hola, Escolta”, na inaasahang magpapaningas ng pag-alaala ng mga nakatatandang henerasyon pati na rin ang paglikha ng kaalaman at interes sa kabataang Pilipino hinggil sa kahalagahan ng kasaysayan at kultura ng maalamat na kalsada.
Ang Heritage Consevation Society, ang Escolta Commercial Association, at ang 98-B COLLABoratory (98-B) ay sinimulan na ang una nitong proyekto na “Saturday Market @ Escolta” na nagbenta ng segunda-mano item tulad ng sapatos, damit, mga libro at komiks, antigong alahas, mga kumot at muwebles, dekorasyon, mga postcard at marami pang iba noong Marso 9, 2013 sa First United Building na dating kinatirikan ng Berg’s Department Store noong dekada 30. Layunin ng 98-B na gawin ang Escolta bilang isang creative hub, katulad ng Montmare ng Paris na may halu-halong singing, kultura, pamana, at negosyo. Ang Saturday Market, na bukas buong summer, ay magtatampok din ng art exhibit, coffee shops, bookstores at bars.
Ang Manila Historical and Heritage Commission ng Lungsod ng Maynila ay sumusuporta sa pagsisikap na buhaying muli ang interes sa makasaysayang lugar na ito. Ang Escolta ang simbolo ng karangyaan noong panahon ng Kastila at Amerikano, ang orihinal na high street sa Pilipinas. Noong panahon ng Kastila, ang Escolta ang pinakapopular na distrito ng negosyo, na may cobbled stones na daan, may mga poste ng ilaw, at hitik sa mga tindahang European. Nang dumating ang mga Amerikano, nagtayo roon ng art deco buildings at naging abala ang kalsada sa paglawak ng financial communities at mga embahada. Maraming una sa Escolta – ang unang ice cream parlor (Clarke’s Ice Cream), unang sinehan (Cinematografo), uanng electric cable car (tranvia), at unang elevator na nasa Burke Building.
Ang dalawang obrang pang-arkitektura na itinayo noong hindi pa nagkakagiyera kahanga-hangang pre-war architechtural masterpiece ay ang Regina Building at ang art deco Perez-Samanillo Building; dinisenyo ng anak ni Juan N. Luna na si Andres Luna de San Pedro ang huli. Si Andres, na isang mahusay na arkitekto, ang nagdisenyo at nagtayo ng Crystal Arcade na pinasinayaan noong Hunyo 1, 1932. Tahanan ang naturang gusali ng Manila Stock Exchange at iba pang opisina at tindahan na dinarayo ng mga elitista ng Maynila. Ang mga luxury shop at bazaar sa matandang Escolta ay ang Botica Boie, Heacock’s, Beck’s, La Estrella del Norte, Henry’s Donuts, Squires & Bingham, Erlanger and Galinger, at Oceanic.
Binabati natin sina Manila Mayor Alfredo S. Lim, Manila Historical and Heritage Commission Chairperson Carmen Guerrero Nakpil at Vice Chairperson Gemma Cruz Araneta, 98-B COLLABoratory Director Gabriel A. Villegas at Co-Director Mark N. Salvatus, sa kanilang pagsisikap na ibalik ang sigla ng Escolta at gwin itong isa na namang destinasyon ng mga turista. Hangad natin ang kanilang tagumpay. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/reviving-escolta/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment