Tuesday, April 30, 2013

HUMAHABOL PA

BROOK Lopez


Lopez, Williams, umatake sa Nets


NEW YORK (AP) – Nagtala si Brook Lopez ng 28 puntos at 10 rebounds, habang nag-ambag si Deron Williams ng 23 points at 10 assists, kung saan ay binigo ng Brooklyn Nets ang Chicago, 11091, kahapon.


Tinapyas ng Nets ang kalamangan ng Bulls sa 3-2 sa kanilang first-round playoff series.



Umiskor si Andray Blatche ng 10 sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter habang nagsalansan si Gerald Wallace ng magkasunod na baskets kung saan ay tuluyan nang humarurot ang Nets sa larong halos pinamunuan nila ang mga yugto subalit ‘di gaanong kalakihan ang kalamangan.


Dalawang araw matapos maghabol sa 142-134 triple-overtime victory, na-otscored ang Bulls sa 15-1 sa stretch at naunsiyaming maitakda ang second-round series sa Miami. Lalarga ang Game 6 sa sariling tahanan ng Bulls sa Biyernes.


Nagposte si Nate Robinson ng 20 puntos at 8 assists kung saan ay pinalitan niya ang point guard na si Kirk Hinrich na nagkaroon ng mga gasgas sa kaliwang calf sa kanilang naging laro noong Linggo.


Inasinta ni Robinson ang 29 sa kanyang 34 puntos makaraan ang third quarter noong Linggo sa larong pinangunahan ng Nets ng 14 sa huling bahagi ng regulasyon. Galing mula sa nakapalaking laro at paluhain ang mga panatiko kahit may naganap na kaunting pagkagaralgal, bin ulyawan ng fans si Robinson habang siya ay ipinakikilala at sa tuwing nahahawakan nito ang bola.


Nagsagawa ito ng jumper sa nalalabing 4:17 sa orasan upang tapyasin ang kalamangan ng Brooklyn sa 95-90, subalit ‘di pa rin makaagapay ang Bulls. Itinarak ni Lopez ang threepoint play, at matapos ang free throw ni Jimmy Butler, ipinako ni Wallace ang 3-pointer, at isinagawa pa ang steal at dunk upang ibigay sa Nets ang 103-91 advantage, may 2 minuto pa sa laro.


Tumapos ang Nets na may magaan na laro, pinalawig ang kanilang season sa Brooklyn. Sila ang magiging punong-abala sa Game 7 sa Linggo.


Tanging walong NBA teams ang nakaungos mula sa 3-1 deficit pagka-iwan, ngunit nananatiling kumpiyansa ang Nets matapos ang pagkulapso noong Linggo. Tila naramdaman nila sa laro na naoutplay nila ang Bulls sa mahabang pakikipagtipan sa nasabing series. Lumamang sila sa double digits sa apat sa kanilang limang mga laban.


Isinalansan ng Nets ang 7 sunod na puntos sa huling bahagi ng unang quarter, ang 5 ay mula kay Lopez, upang itarak ang 17-17 pagtatabla patungo sa 24-17 lead.


Nakakuha ang Brooklyn ng 8 sa second-quarter mula kay Kris Humphries at pagkatapos ay binuksan ang pinakamalaking kalamangan nang si Johnson at Gerald Wallace ay magsagawa ng magkasunod na 3-pointers bago inasinta ni Lopez ang dalawang free throws tungo sa 50-40. Umungos ang Nets sa 52-44 matapos ang break.


Ang Nets ay mayroong kalamangan na may double digits ng ilang beses sa third quarter. Nagbalik ang Bulls sa 4 na pagka-iwan na lamng sa pagtatapos ng period matapos na maisagawa ang 11-of-16 shots (69 percent).




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/humahabol-pa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment