Monday, April 29, 2013

Eleksiyon: NPA, tumatabo ng milyon

Tumatabo ng milyun-milyon ang makakaliwang grupo sa pangingikil sa mga kandidato sa halalan sa susunod na buwan at malamang na gagamitin ang perang ito sa pagbili ng mga armas, sinabi ng isang mataas na oisyal ng militar nong Linggo.



Ang bawat kandidato ay illegal na nagbabayad ng P50,000 hanggang P5 milyon para sa proteksiyon ng New People’s Army (NPA), sinabi ni Major-General Jose Mabanta, commanding general ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army.


“My estimate is that half of all political contenders are paying, half in my area. That is also true in other areas,” aniya sa mamamahayag.


Mayroong 18,000 puwesto ang inaasinta ng mga kandidato ngayon May 13 elections, mula sa mga munisipalidad, lungsod, lalawigan hanggang sa mga kasapi ng Kongreso at Senado.


“With the amounts involved, they (NPA) will be buying arms and ammunition and these may be fired and used against them (politicians),” wika ni Mabanta, nagbabalang labag sa batas ang pagbibigay ng pera sa mga rebelde.


Napakalaki ng perang nalilikom ng mga rebelde sa eleksiyon kumpara sa regular na kinikita nila sa pangingikil sa mga negosyo ng mining, logging at iba pa na nakabase sa kanayunan kung saan 4,000-kasapi ng gerilya ang kumikilos.


“This is when really the NPAs make a killing out of their extortion,” dagdag niya.


Ayon sa Philippine National Police (PNP) umabot na sa 46 ang nasawi at 40 insidente ng karahasan ang naitala simula nang magsimula ang kampanya noong Pebrero. – Agence France-Presse




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/eleksiyon-npa-tumatabo-ng-milyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment