Tuesday, April 30, 2013

PAGBABAGO SA LARANGAN NG PAGLULUTO

Kapansin-pansin ang pagtaas ng popularidad ng gawaing pagluluto, na dati’y itinuturing na karaniwang gawaing-bahay lamang. Sa telebisyon lamang, maraming sikat na programa na umiinog sa pagluluto.



Kapuna-puna rin ang pagbabago sa mga putahe na inihahain sa mga restoran sa ating bansa. Isang halimbawa ang turon, isa sa mga paboritong meryenda ng mga Pilipino. Alam nating lahat na ang karaniwang turon ay saging na saba, na kung minsan ay nilalahukan ng langka, iginugulong sa asukal, binabalot ng pambalot ng lumpiya at saka ipiniprito sa maraming mantika.


Sa isang sangay ng restorang Kanin Club ay natikman ko ang ibang klaseng turon. Sa halip na saging lamang ang sangkap ay sinamahan pa ito ng ube, munggo at niyog.


Isa pang halimbawa ang karekare, na sa tradisyunal na pagluluto ay kailangan ang buntot ng baka na sinamahan ng talong, petsay, at puso ng saging, saka iniluluto kasama ang giniling na mani.


Ngayon, mayroon na ring seafood kare-kare ­ sa halip na buntot ng baka ay mga lamang-dagat ang sangkap.


Sa isang madaliang pagsasaliksik sa tulong ng teknolohiya, natagpuan ko ang isang listahan ng 73 paaralan na nag-aalok ng kurso ukol sa pagluluto. Kabilang sa mga paaralang ito ay ilan sa mga malalaki at tanyag na unibersidad at kolehiyo sa ating bansa.


Ang mga paaralang nagtuturo ng pagluluto ay matatagpuan sa maraming bayan hindi lamang sa Kalakhang Maynila, kundi gayun din sa iba pang panig ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao.


Bakit nga ba maraming nagkakainteres sa pagluluto? Bilang negosyante, alam ko na ang pagdami ng mga paaralang nag-aalok ng kurso ukol sa pagluluto ay indikasyon na maraming naghahangad na magtrabaho bilang kusinero o kusinera.


Sa ginawa kong pagsusuri, napagalaman ko rin na maraming hotel at restoran ang kumukuha ng magagaling na kusinero at kusinera, at ang mga ito ay binibigyan ng mataas na pasahod.


Marami sa 10 milyong manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa ay nagtratrabaho sa kusina ng malalaking hotel at sa malalaking sasakyang-dagat. (Durugtungan)




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/pagbabago-sa-larangan-ng-pagluluto/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment