Tuesday, April 30, 2013

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS 2013 BEST MACROECONOMIC REGULATOR IN ASIA-PACIFIC

Napili ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang 2013 Best Macroeconomic Regulator in Asia-Pacific Region ng The Asian Banker, isa sa nangungunang regional consultancies ng Asia sa financial services, research, benchmarking at intelligence.



Iginawad ang parangal sa idinaos na The Asian Banker Leadership Achievement Awards sa Jakarta, Indonesia noong Abril 23, 2013 kaugnay ng The Asian Banker summit, ang pinakamalaking taunang pagtitipon ng mga propesyunal sa industriya ng financial services sa Asia-Pacific. Pinuri ng The Asian Banker ang BSP bilang isang “good, strong, and fair-minded regulator“ na tumutupad ng tungkulin sa pagpapaunlad ng tuluy-tuloy na industriya sa financial services.


Sa nagdaang apat na taon, napanatili ng BSP ang pagsubaybay sa inflation, na may 3.2% noong nakaraang taon na halos lapat na sa inaasintang 3.5%. Hanggang Pebrero 2013, naging manageable ang consumer price adjustments sa 3.2%. Ang macro-prudential measures na itinatag ng BSP noong nakaraang taon ay naging panangga sa banta ng sobrang pagtaas ng halaga ng piso.


Tinatag noong 2001, ang Asian Banker Leadership Achievement Awards ay tanyag sa industriya ng financial services bilang pinakamataas na pagkilala sa industry professionals sa rehiyon. Nagkakaloob ang The Asian Banker, na tinatag noong 1966 sa Singapore, ng impormasyon para sa industriya ng financial services sa pamamagitan ng publications, online materials tulad ng e-newsletters, research, at conventions at iba pang pagtitipon.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. CabaƱes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamumuno ni governor Amando M. Tetangco Jr., sa kanilang pagkakahirang bilang 2013 Best Macroeconomic Regulator in Asia-Pacific Region. Hangad natin ang kanilang tagumpay. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/bangko-sentral-ng-pilipinas-2013-best-macroeconomic-regulator-in-asia-pacific/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment