Monday, April 29, 2013

LP kay Salceda: Magpaliwanag ka!

Hindi nababahala ang ilang senatorial bet ng Team PNoy sa lumabas na ulat na hindi ang buong ticket ng administrasyon ang susuportahan ni Albay Governor Joey Salceda.


Ayon kay dating Senador Jamby Madrigal, personal ang opinyon ni Salceda, ang regional chairman ng Liberal Party (LP) na kanya ring kinaaaniban,



Iginiit ni Madrigal na bahala na ang kanyang mga kapwa-Bicolano kung sino ang kanilang iboboto pero mas maganda pa rin daw kung ang buong tiket ng Team PNoy ang susuportahan nito.


“Bahala siya kung gusto niya akong suportahan. Kilala naman niya at alam naman niya ang nagawa ko sa senado para sa mga Bicolano. Kaya kung susuportahan niya ako, magpapasalamat ako kasi mga Bicolano naman ang unang ibinoboto bago ang lahat. Ako ay nagpapasalamat sa boto na nakuha ko noong ako ay tumakbong senador noong 2004,” paliwanag ni Madrigal.


Inihayag ni Salceda kamakailan na kanyang iboboto si Nancy Binay ng United Nationalist Alliance (UNA) dahil sa pagiging malapit niya kay Vice President Jejomar Binay.


Sa unang bahagi ng kampanyahan, sinabi din ni Salceda na iboboto niya si San Juan Rep. JV Ejerctio at dating Senador Juan Miguel Zubiri.


Sinabi naman ni dating Senador Ramon Magsaysay Jr. na pangit tingnan ang ginawa ni Salceda lalo pa at opisyal siya ng LP subalit dapat umanong unawain din ang gobernador dahil may sarili naman itong dahilan.


“The idea of being the head of the Regional Chapter of the Liberal Party, that is not, hindi maganda ang dating. That does not show party discipline, it does not show a good example as a party leader. That is a distortion ng magandang layunin ng Presidente,“ ayon kay Magsaysay na kabilang din sa LP.


Iginiit pa nito na hindi na kailangan pa na magkaroon ng kaparusahan si Salceda ngunit dapat umanong magpaliwanag ito sa partido.


“Hindi na kailangan. He is a mature leader, mature man, he does not need to be sanctions, but he should explain himself. Konsiyensiya na niya ‘yun,” dagdag pa ni Magsaysay.


Umiwas naman sina Team PNoy senatorial bets Edgardo “Sonny” Angara at re-electionist Senator Aquilino Pimentel III hinggil sa isyu kay Salceda.


Ayon sa dalawa, hindi naman sila kabilang sa LP at bahala na ang naturang partido kung ano ang kanilang gagawin.


Balewala naman kay dating Akbayan Rep. Rissa Hontiveros ang pahayag ni Salceda at sinabi nito na noong 2010 elections ay ikalawa siya sa pinkamaraming boto sa lalawigan ng Albay. – Leonel Abasola




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/lp-kay-salceda-magpaliwanag-ka/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment