Tuesday, April 30, 2013

El Libertador, inaabangan ng karerista

May 17 araw pa ang nalalabi bago ang pag-alagwa ng pinakahihintay na 1st leg ng Triple Crown Championships na gaganapin sa bakuran ng Metro Turf sa Malvar, Batangas.


Lahat sila ay nasasabik sa naturang laban kaya’t asahan na mapupuno ang lahat ng Off Track betting station sa Metro Manila at ang magandang karerahan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) upang saksihan ang karera ng taon na tutuklas ng panibagong kampeon.



Kaya naman inaabangan ng kanyang mga tagahanga ang 2013 Sweepstakes winner na EL Libertador, ang tigasing alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos.


Bagamat nabigo ang El Libertador sa huling laban nito sa nakaraang 2013 Chairman’s Cup, naniniwala naman ang mga tagahanga ni Mayor Abalos na hindi pa handang lumaban ang pambato ng mga taga Mandaluyong nang talunin ng Be Humble sa naturang laban.


Hindi mabubura sa isip ng mga karerista ang naitalang magandang pruweba ng El Libertador kaya’t mananatili silang magtitiwala sa alaga ni Abalos.


Naniniwala ang marami na tinalo ang pambato ng Mandaluyong dahil sa hinete matapos na hindi si jockey J.B. Hernandez ang sumakay.


Tama, hinete lang ang kailangan ng El Libertador para matiyak na makuha ang unang yugto ng TCC mula sa mahigpit na kalabang Be Humble, Alta’s Finest, Five Star at iba pang contender na sasabak sa tinaguriang karera ng taon.


Nakalaan ang P1.8 milyong unang premyo para sa tatanghaling kampeon sa unang yugto ng pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom).




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/el-libertador-inaabangan-ng-karerista/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment