BARCELONA, Spain (AP)- Nasimulan nang bayaran ni Rafael Nadal ang lahat ng kanyang pinagdaan sa nakalipas na buwan sa pamamagitan ng matinding trabaho at rehabilitasyon.
Ngunit ‘di pa sigurado si Nadal kung ano ang kahulugan nito para sa French Open.
Napagwagian ni Nadal ang Barcelona Open sa ikawalong pagkakataon nang pataubin si Nicolas Almagro, 6-4, 6-3, para sa kanyang ikaapat na titulo sa taon na ito.
At habang papalapit na ang French Open, isang makabuluhang senyales na si Nadal ay nagbabalik na sa kanyang kabuuang lakas matapos na pagalingin ang knee injury na nag-sidelined sa kanyang sa nakaraang summer.
”I am very happy,” masayang sinabi ni Nadal. ”It has been an important week for me to win here again and a great source of joy after everything I have been through.”
Naisakatuparan nito ang anim na sunod na finals simula nang magbalik ito sanhi ng pinasala sa tuhod. Ang titulong ito, ang kanyang ika-54 sa kanyang karera , ay nagmula isang linggo matapos ang kanyang eight-year reign sa Monte Carlo ngunit tiumapo sa pagkatalo kay top-ranked Novak Djokovic.
”With just these six tournament since I have returned, I have managed to assure my place in the top 10 one more year, which is positive,” saad ni Nadal, ranked No. 5 sa kasalukuyan. ”These months of work have been worth it.”
Hindi pa rin masagot ni Nadal kung papaano niya dadalhin ito patungo sa Roland Garros, kung saan ay napagtagumpayan na niya ang pitong beses na marka.
”This win doesn’t mean much,” giit pa nito. ”Just that I am in good form since I have come back. The results are fantastic. I would never have imagined them and they are better than I had dreamed. I am back playing at a high level.”
Matapos mapag-iwanan sa 3-0 sa unang set, nasilip ni Nadal ang kanyang porma at hinadlangan nito ang kanyang fellow Spaniard sa tatlong sa sumunod na apat na service games upang manduhan ang laro.
Napagwagian ni Nadal ang Barcelona Open mula 2005-09 ngunit ‘di nakapaglaro noong 2010 sanhi nga ng knee injury. Napagtatagumpayan niya ito kada taon. Napasakamay na nito ang 39 sunod na matches sa red clay sa Real Club de Tenis, ang kanyang huling pagkatalo ay nanggaling may 10 taon na ang nakalilipas years kay Spain’s Davis Cup captain Alex Corretja.
”I didn’t know in 2005 that I would win again or that in 2013 I would still be winning,” dagdag ni Nadal.
Natamo ni Almaro, ranked 12th, ang pagkatalo sa lahat ng 10 sa kanyang matches kay Nadal.
Pinatili ni Almagro na gumalaw nang husto laban kay Nadal na gamit ang malalalim na backhands sa unang set. Naisakatuparan pa nito ang 3-0 lead kasunod ng mahabang paghahabol nang maitarak nito ang running crosscourt return. Ngunit ipinakita ni Nadal kung bakit ‘di siya natatalo sa Barcelona sa mahabang dekada, kung saan ay ikinasa nito ang apat na sunod na mga laro.
”It was important for me to get the break, down 3-0,” paliwanag ni Nadal. ”Almagro is having a great season and I wish him the best.”
Nagsisilbi si Almagro na angat sa 30-0 nang makagawa ito ng serye ng pagkakamali, kasama na ang double-fault na nagdala sa iskor sa tatlong mga laro. Kinuha ni Nadal ang kontrol nang pigilan si Almagro sa ikatlong pagkakataon. Sadsad sa 0-30, isinalba ni Nadal ang puntos nang ibalik nito ang bola mula sa pagitan ng kanyang mga hita kung saan ay ‘dito na tinapos ng kampeon si Almagro.
Sa ikalawang set, napanatili ni Nadal ang pressure upang kunin ang lead sa 3-1. Isinilbi ni Nadal ang laban tungo sa love, at ‘di nagtagal ay nagsigawan na ang mga panatiko para sa dalawang manlalaro.
”He showed again why he is the best player in history on this surface,” ayon kay Almagro, idinagdag na kanyang susubukang pagwagian ang titulo sa susunod na taon.
”If Rafa lets me,” pagbibiro ni Almagro.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/nadal-kampeon-sa-barcelona-open/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment