Monday, April 29, 2013

TCC, magiging balikatan sa MMTCI

Sino ang susunod na magkakampeon?


Ito ang katanungang hihintayin ng “Bayang Karerista” sa nalalapit na pag-alagwa ng 2013 Philracom 1st leg Triple Crown Championships na gaganapin sa bakuran ng Metro Manila Turf Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.



Kahit ang mga horse owner ay nagtatanong na rin kung sino sa kanila ang papalarin na makasungkit ng titulo sa unang yugto ng TCC na gaganapin sa Mayo 18.


Sa pananaw naman ng Tiyempista, tatlo sa contender ang nakikita natin na posibleng maglaban ng mahigpit sa TCC at ito’y kinabibilangan ng Be Humble, Alta’s Finest at El Libertador.


Kung inyong matatandaan, nagkampeon ang El Libertador sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Maiden race noong Pebrero sa Malvar, Batangas.


Makalipas lang ng dalawang linggo, isinabak agad sa mabigat na laban ang El Libertador sa Be Humble sa nakaraang Chairman’s Cup noong Marso at nagwagi ang huli matapos ang isang pahirapang labanan.


Kasama sa laban ang Alta’s Finest na hindi nakitaan ng impresibong takbo.


Muling nagkita ang Alta’s Finest at Be Humble sa 3-Year-Old Colts championship na pinagwagian naman ng una.


Sa naging resulta ng karera, marami ang nagsasabing magiging balikatan ang labanan ng mga ito upang mabatid kung sino ang masuwerteng hahablot ng korona sa unang yugto ng TCC.


Maging ang mga eksperto sa karerahan ay walang matukoy kung sino ang mananalo sa 1st leg ng TCC.


Ang mahalaga ngayon ay pantay ang pagtaya ng mga karerista sa mga contender at sa darating na Mayo 7 ay malalaman kung sinu-sino ang posibleng magharap sa TCC.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/tcc-magiging-balikatan-sa-mmtci/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment