Gaya ni dating NBA superstar na si Mugsy Bogues, umaasa ang mga kabataang manlalaro na nahirang para maging miyembro ng Jr. NBA All-Star Team ngayong 2013 na magningning pa nang husto ang kanilang napiling sport, lalo na ang mga hindi kalakihang manlalaro na kagaya ng NBA superstar.
Maliban kay Bogues, iniidolo din ng 14-anyos na si Miguel Alejandro Fortuna ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jeric Fortuna, dating ace point guard ng University of Santo Tomas at ngayo’y naglalaro na para sa San Miguel Beer sa ABL.
“Like Mugsy Bogues, he serves as an inspiration for mer because even if he’s small for his size in the sport, he proved that he can still excel and make a name for himself,” ayon sa incoming second year high student sa La Salle Zobel.
Isa lamang si Fortuna sa pitong kabataang manlalaro na galing sa Metro Manila na nahirang para bumuo sa top 10 sa Jr. NBA All Star team kung saan kabilang din ang isa pang kapatid ng kilalang UST player na si Kevin Ferrer.
“Masaya po ako kasi parang napanindigan ko ‘yung dala kong apelyido,” sambit naman ng 15-anyos at incoming third year high school student at miyembro ng UST Tiger Cubs sa UAAP na si Vince Jansel Ferrer.
Ayon kay Ferrer, hangad din niyang masundan ang yapak ng kapatid na ngayo’y isa sa mga key player ng Tigers kung hindi man ay mahigitan pa.
Bagamat matangkad na gaya ng kanyang nakatatandang kapatid, hanga din si Ferrer kay Bogues na siyang nangasiwa sa naganap na 2013 Jr. NBA National Training Camp kung saan pinili ang sampung outstanding campers na buhat sa top 50 na napili naman mula sa mga nakaraang Regional Camps.
Bukod sa dalawa, ang iba pang mga taga-Metro Manila na napili sa All Star team ay sina Jr. NBA MVP Ricci Paolo Rivero, Alaska Ambassador Tyler Tio, Marvin Sario, Samuel Abuhulleh at Gian Robert Mamuyac.
Ang tatlo pa nilang kasamahan na galing naman sa labas ng Metro Manila ay sina Pawandeep Singh ng Pampanga, Mahloney Tarranza ng Davao at All Star Player awardee Anthony Sistoza ng General Santos City.
Samantala, napili naman bilang Coach of the Year si Raymon Mercader ng Bukidnon. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/bogues-inspirasyon-ng-mga-kabataan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment