Monday, April 29, 2013

‘Nomine Matris,’ ipalalabas sa sinehan

Liza Diño


Timing ang nationwide showing ng pelikulang In Nomine Matris (Sa Ngalan ng Ina) sa Mayo 8, ilang araw bago ipagdiwang ang Mother’s Day. Ipinalabas ang In Nomine Matris noong Disyembre sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) at nanalo ng Most Gender Sensitive Award sa New Wave category at best actress naman para kay Liza Diño.



Isinulat at idinirehe ni Will Fredo at suportado ng Embahada ng Spain sa Pilipinas, Instituto Cervantes/SPCC at Trinity Hearts Media, ang In Nomine Matris ay kuwento ni Mara (Liza), isang dance protégé na pangarap na pangunahan ang isang dance company na magsasagawa ng tour. Sa paghahangad niyang maging bida, naharap siya sa maseselang desisyon na magpapabago sa kanyang buhay, at kinailangan niya ang tulong ng kanyang mentor na si Mercedes (Clara Romana) at ng inang si Ava (Tami Monsod). Sa bahaging ito itinampok ni Direk Will ang sensitivities ng kulturang Spanish sa Philippine modern setting sa pamamagitan ng matinding kombinasyon ng drama, sayaw, awit at tula.


Para sa love triangle, makakaeksena ni Liza si Biboy Ramirez at ang opera singer na si Al Gatmaitan, na nagsanay pa sa Italy. Half-brothers sina Biboy at Al at kapwa sila umibig kay Mara.


“Kikiligin at matatawa ka sa pinagdaanan ng dalawang lalaki sa kamay ng character ni Liza. Maski ikaw na nanonood, iisipin mo kung ano ang dapat mong piliin—passion ba or true love?,” sabi ni Direk Will.


Sinabi ng direktor na hindi pangkaraniwan ang handog na love story ng In Nomine Matris, at lahat ay makaka-relate. “Lahat naman tayo ay may mga passion sa buhay, kahit ano pa ‘yan. Araw-araw, may mga choices tayong ginagawa, no matter what the consequences, ‘di ba?” ani Direk Will.


Tampok din sa In Nomine Matris ang top Flamenco dancer ng Nepal na si Maradee de Guzman, ang Flamenco dancer/open-mic poet na si Jam Perez, sina Bong Cabrera, Leo Rialp, Joan Palisoc at isang grupo ng mga dancer na mahigit tatlong buwang nagsanay sa Flamenco.


Mula sa Hubo Productions, mapapanood na ang In Nomine Matris sa Mayo 8-14 sa SM Megamall, SM North EDSA, SM Manila, SM Marikina, SM Fairview, SM South Mall, Robinson’s Galleria at Robinson’s Metroeast.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/nomine-matris-ipalalabas-sa-sinehan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment