Monday, April 29, 2013

BIG HEAT

Winalis ang serye kontra Bucks. Umusad sa Eastern Conference semifinals


MILWAUKEE (AP)- Muling tatawid si LeBron James sa isa pang panibagong kabanata mula sa kanyang listahan.


Umiskor si James ng 30 puntos, habang nagkaroon si Ray Allen ng panibagong malaking laro laban sa kanyang dating matagal na koponan kung saan ay napasakamay ng Miami Heat ang kanilang unang playoff sweep sa Big Three era, at umabante sa Eastern Conference semifinals matapos ang 88-77 victory kontra sa Milwaukee Bucks kahapon.



”It was our next big step as far as our growth,” paliwanag ni James. ”It’s so hard to win on the road in the playoffs, in someone’s building – especially when someone is playing for their last life. It’s a big step for us.”


Sa ngayon ay magkakaroon ng ilang kinakailangang oras na pahinga ang Heat. Pinagpahinga si Dwyane Wade sa kanilang nagging laro kahapon, ang natatanging ikalawang postseason game na kanyang naimintisa sa kanyang karera sanhi ng pananakit nito sa kanyang kanang tuhod. At bagamat ‘di makapaglalaro sa Miami sa susunod na Linggo, magkakaroon ngayon ng mahabang panahon si Wade upang pagalingin ang kanyang tatlong bone bruises na nagging dahilan upang ‘di siya nakita sa aksiyon sa anim na pagkakataon sa kaagahan ng pagtatapos ng regular season.

Makakaharap ng Miami ang magwawagi sa Brooklyn-Chicago series. Angat ang Bulls sa series sa 3-1, kung saan ang Game 5 ay lalarga ngayon sa New York.


”It’s big,” ayon kay Wade hinggil sa kanyang pagpapahinga. ”Obviously, we’re one of the oldest teams in the league, maybe the oldest team in terms of rotation players. Guys have some bumps and bruises coming out of this series, so it’s going to be great to get some rest. But also we have to take this time to continue to stay sharp, to continue to stay in shape as well.”


Hinusgahan hinggil sa naging clinical way ng Heat laban sa Bucks sa nasabing series, ‘di naman ito malaking problema sa kanila.


Nagwagi ang defending NBA champions sa bawat laro na may double digits, nakakuha ng kontribusyon mula sa kanilang mga star at maging sa substitutes. Tumapos si Allen na mayroong 16 puntos, ang ikatlong pagkakataon sa series na kanyang tinipa sa double figures, at siya’y 4-of-7 mula sa 3-point range.


Nag-ambag si Udonis Haslem ng 13 puntos at 5 rebounds, at sinunggaban ni Mario Chalmers ang 8 rebounds at 6 assists sa Miami, ‘di napag-iwanan sa laro kahapon.


”They had the whole package,” ayon naman kay Bucks coach Jim Boylan. ”When you can afford to sit guy like Dwyane Wade and perform at the level they performed at, that’s a championship-caliber team.”


Pinamunuan ni Monta Ellis ang Bucks na taglay ang 21 puntos, habang nagposte si Larry Sanders ng 11 rebounds tungo sa 7 puntos lamang.


Hindi nakakuha ang Milwaukee ng lakas kay Brandon Jennings, ‘di pinaglaro sa fourth quarter. Tumapos si Jennings, ginarantiyahan ang Bucks na magwawagi sila sa series sa Game 6, na may 3 puntos o 1-of-7 sa shooting.


Matapos asintahin ang 26 puntos sa Game 1, nagkaroon si Jennings ng 27 kabuuan sa huling tatlo.


”Frustrated, a little down because I came into this season with so much confidence,” nanlulumong sinabi ni Jennings. ”I thought we had a chance to steal a game in Game 1, Game 2. We let that slip away from us. Game 3, we came back home. Had a 10-point lead, lost that. I mean it’s frustration all around.”


Nagkaroon ng tsansa ang Heat na walisin ang kanilang first-round series sa bawat huling dalawang seasons, kinuha ang 3-0 leads sa Philadelphia (2011) at New York (2012). Ngunit ‘di nila ito naisara nang mabigo sa Game 4 sa magkasunod na taon.


Ngunit ‘di na ito nangyari pa laban sa Bucks. Kahit pa wala sa kanilang hanay si Wade.


Sumailalim si Wade sa treatment, ”around the clock,” sa huling dalawang araw na ang layunin ay makapaglaro kahapon, kung saan ay sinubukan pa nitong galawin ang kanyang tuhod bago ang sagupaan. Ngunit nagdesisyon siya at ng Heat na ‘wag nang maglaro upang ‘di na humantong sa malalang sitwasyon ang pinsala.


”He gave me the nod saying he wasn’t going to go, so I knew had to pick it up a little more and try to bring us home, bring this win home for us,” pahayag ni James.


Ginawa naman ito ni James kung saan ay nag-ambag pa ito ng 8 rebounds, 7 assists at 3 steals tungo sa kanyang 30 puntos.


”We just space the floor and see if they can stop him. If not, he knows where we are,” ayon naman sa sinabi ni Allen. ”We just give him that room to operate.”




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/big-heat/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment