Tuesday, April 30, 2013

‘Shugarpova’ candy, iprinisinta ni Sharapova

MOSCOW (Reuters) – Sariwa pa mula sa pagkamkam sa kanyang ika29 WTA singles title, nagsagawa si Maria Sharapova ng one-day stop sa Moscow upang iprisinta ang kanyang ‘Shugarpova’ candy brand sa Russian market kahapon.



Ipinagdiinan ng Florida-based Russian na bagamat tinututukan nito ang kanyang multiple business ventures, mananatiling nakapokus sa kanyang tennis career ang kaakit-akit na manlalaro.


“Right now tennis is the most important for me,” sinabi ng world number two sa reporters sa isang

upscale Moscow store, kung saan isang maliit na pakete ng ‘Shugarpova’ sweets ay ipinagbibili sa halagang 175 roubles ($5.66).


Sinabi ni Sharapova, magseselebra ng kanyang ika-26 taong kaarawan sa buwan na ito, na plano pa rin niyang sumabak sa 2016 Olympics sa Rio de

Janeiro.


“(The London Olympics) was a good experience for me. I got a chance to carry the Russian flag at the opening ceremony and winning a silver medal,” pagmamalaki nito.


“But now I want more, I hope to get the gold in 2016.”


Napanatili ni Sharapova ang kanyang Stuttgart title nang pataubin si China’s Li Na noong Lunes sa finals sa clay kung saan ay ipagpapatuloy nito ang kanyang preparasyon sa susunod na buwang French Open kung saan ay idedepensa nito ang kanyang titulo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/shugarpova-candy-iprinisinta-ni-sharapova/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment