Hindi na makalalaro hanggang sa matapos ang kasalukuyang PBA season si Talk ‘N Text forward Jared Dillinger.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Tropang Texters nang malaman na kailangang sumailalim ni Dillinger sa operasyon matapos siyang maaksidente sa may South Superhighway sakay ng kanyang SUV papauwi sa kanilang bahay noong nakaraang Sabado ng madaling-araw.
“Jared was brought to the Makati Medical Center and immediately subjected to a battery of tests. The left iliac wing (pelvic bone) was found to have a comminuted fracture with 60% inward displacement,” nakasaad sa isang official statement na inilabas ng pamunuan ng team kaugnay ng nangyaring aksidente.
.
“This type of fracture poses a risk to professional basketball players who have to deal with all the running, jumping and contact involved with the sport.”
“On Wednesday, Jared will undergo a procedure to realign his pelvis and stabilize the fracture with metal plates and screws. He will not be ambulatory for 6-12 weeks to allow the bone to heal,” ayon pa sa nasabing official statement.
Dahil dito, kinakailangan niyang magpahinga ng hanggang 12 linggo upang ganap na makarekover, depende pa rin kung paano ang magiging reksiyon ng kanyang katawan sa mangyayaring operasyon.
Bunga ng pangyayari, hindi lamang ang kanyang paglalaro para sa Tropang Texters na may onging na semifinals series kontra Barangay Ginebra San Miguel sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup ang kanyang mami-miss, kundi maging ang dapat na stint niya sa Smart Gilas Pilipinas na may misyon na makapasok sa top 3 ng FIBA-Asia men’s championships para sa hangad na makuwalipika sa 2014 World championships na gaganapin sa Spain. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/dillinger-no-showing-sa-semifinals/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment